Anne: Hindi ako naniniwala na sinisiraan ako ni Marian!
AYAW maniwala ni Anne Curtis na sinabihan siya ni Marian Rivera na hindi bagay sa kanya ang gumanap na Dyesebel. Ayon sa TV-host actress magkaibigan sila ng dyowa ni Dingdong Dantes at hindi raw ito traydor.
May mga netizens kasing nagpapakalat ng mga malilisyosong chika para pag-awayin sina Anne at Marian, may mga nabasa pa nga kami na talagang below the belt na ang mga tira kay Anne na sinasabing nagmula raw sa mga fans ni Marian.
Pero sa presscon nga ng Dyesebel recently, natawa lang si Anne sa mga isyu sa kanilang dalawa. Ang alam kasi ni Anne, maligaya si Marian sa pagganap niyang Dyesebel, ang sey pa nga raw ng Kapuso actress, “Wala akong nakikitang masama na, alam mo yun, maging Dyesebel si Anne. Dahil Anne is very beautiful, napaka-lovable, at bagay siya bilang Dyesebel.”
“Natutuwa ako kay Marian, ang bait-bait niya, kasi nga nagkakasama kami. Hindi ako naniniwala sa nagpapasimula ng tsismis sa aming dalawa, na sinabiniyang hindi raw bagay kasi alam kong hindi niya ‘yon masasabi kasi friends kami,” pahayag ni Anne kasabay ng mensahe para sa mga naninira sa kanila ni Marian, “At least, sana natauhan na sila.”
At siyempre, abot-langit din ang pasasalamat ni Anne sa ABS-CBN at sa Dreamscape Entertainment dahil sa kabila ng mga iskandalong kinasangkutan niya in the past ay binigyan pa rin siya ng napakalaking proyekto.
“Sobra ako talagang thankful ngayon, sobrang natutuwa. Hindi ko talaga ma-express yung feeling ko. Hindi ko po alam pero sobra lang po akong thankful,” sey pa ni Dyesebel.
At para sa lahat naman ng mga taong kontra sa paglangoy niya bilang si Dyesebel, “You know you just gotta learn the art of deadma. Kasi, once you let it go, it disappears, and I’m happy.”
Mapapanood na ang Dyesebel sa darating na Lunes sa Primetime Bida ng ABS-CBN, makakasama rin dito sina Gerald Anderson bilang si Fredo na magiging leading man ni Anne sa lupa, at Sam Milby as Liro, ang sirenong makakaagaw ni Fredo kay Dyesebel.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.