Lee campaign contributor ng LP kaya natanggal sa most wanted?
USAP-usapan ngayon kung bakit ganun na lamang ang interes ni Oriental Mindoro Gov. Alfonso Umali sa nahuling wanted na si Delfin Lee.
Idinahilan ni Umali na tinawagan lamang niya si Philippine National Police (PNP) Chief Director General Alan Purisima dahil tinawagan din siya ng kanyang kababayan at abogado ni Lee na si Gilbert Repizo para itanong kung may bisa pa ang warrant of arrest laban sa negosyante.
Nag-explain si Umali kay Pangulong Aquino. At sabi naman ng kanyang mga tagapagsalita na nasiyahan si Aquino sa explanation nito. Pero, marami ang napapataas ang kilay dahil ang babaw ng alibi ni Umali pero napabilib kaagad ang pangulo.
Si Umali ay kasalukuyang treasurer ng Liberal Party (LP) na partido ng administrasyon. Hindi tuloy maiiwasang isipin ng marami na isa kaya si Lee sa mga nagbigay ng kontribusyon para sa kampanya ng LP noong 2010 presidential elections.
Mapapaisip ka tuloy na bakit umabot ng halos apat na taon bago nahuli itong si Lee, na halata namang di nagtatago dahil nakita lamang siyang pakalat-kalat sa mataong lugar kagaya ng Hyatt Regency Hotel and Casino sa Maynila.
Hindi rin maipaliwanag mismo ni DILG Secretary Mar Roxas kung bakit nawala si Lee sa listahan ng mga wanted na pinaghahanp ng gobyerno.
Hugas-kamay din itong si Roxas kung bakit aksidenteng tinanggal ang pangalan ni Lee sa Big 5 na listahan ng Most Wanted, samantalang may patong nga ang ulo nito na P2 milyon.
Palusot lang ngayon ni Roxas ay iniimbestigahan na raw ang pagkakatanggal sa pangalan ni Lee sa listahan.
Kung totoong pinoprotektahan ng LP si Lee dahil sa laki ng campaign funds na ibinigay nit para sa partido, napakataliwas ito sa tuwid na daan ng administrasyon.
Bukod pa rito, hindi ba’t hindi rin biro ang sinasabing pera naibulsa ni Lee mula sa pondo ng Pag-IBIG. Aba! bilyon-bilyong piso rin ang pinag-uusapan dito.
Kung masigasig ang administrasyon na habulin ang mga nakinabang sa pork barrel scam, hindi ba’t dapat ay ganun din ito kasigasig para papanagutin si Lee at ang kasabwat niya sa paglustay ng pera ng Pag-IBIG.
Hustisya lamang ang hangad ng mga nabiktima ni Lee, lalu na ang mga milyong-milyong miyembro ng Pag-IBIG fund.
DA who naman itong pulitiko na sobrang bilib sa sarili na siya na mismo ang nagpriprisinta sa sarili para kunin sa 2016 presidential polls.
Kinumpirma mismo ng kaalyado ng pulitiko na inalok nito ang sarili na gawing standard bearer ng kanilang partido para sa pampanguluhang eleksyon.
Hindi naman kaya masyado kang garapal sir? Bakit hindi mo hintayin na ikaw ang ligawan ng mga partido mo para kunin ka nilang pambato sa eleksyon?
Kahit ang Malacanang ay dedma lamang sa mga paandar ng pulitiko.
Hindi tuloy kataka-taka na ginagamit ng pulitiko ang kanyang hinahawakang mga komite para sa kanyang ambisyon sa 2016.
Sigurado naman akong kilala na ninyo ang tinutukoy ko na kilalang naging mouthpiece ng isang talunang presidential bet nang ito ay nasangkot din sa kontrobersiya.
Para sa komento, reaksyon at tanong, i-text ang TROPA, pangalan, edad, lugar at mensahe sa 09178052374.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.