Toni, Robi tsugi na bilang host ng The Voice Kids Edition | Bandera

Toni, Robi tsugi na bilang host ng The Voice Kids Edition

Julie Bonifacio - March 15, 2014 - 03:00 AM


While waiting for his turn sa 30th Star Awards for Movies, nakausap din namin ang isa sa hosts ng awards night na si Robi Domingo. Nabanggit ni Robi sa amin na ang next show niya sa ABS-CBN ay ang Pinoy Big Brother.

Hindi na makakasama ni Alex. Gonzaga sa The Voice of the Philippines Kids Edition si Robi. At hindi na rin si Toni Gonzaga ang host ng The Voice.

“Si Luis (Manzano) na (ang host), kasi ‘di po ba tapos na ‘yung Minute To Win It niya? Kaya siya po ‘yung magho-host ng The Voice Kids Edition,” lahad ni Robi.

Para nga naman maiba ang kids sa adult edition ang TVP. Tila mag-aabot kundi man magkakasabay sa ere ang TVP at PBB kaya kailangan ng ibang host for TVP Kids Edition.

Si Toni rin kasi ang host ng PBB kasama si Bianca Gonzales. Nakatatak na kasi ang PBB kay Toni. At kasama pa rin daw ni Robi sa PBB si John Prats.

Samantala, happy si Robi na for the first time nag-host siya sa Star Awards at kahilera ang mga batikang aktor gaya nina Richard Gomez at Piolo Pascual.

Napakalaking exposure talaga for Robi na magbigyan ng chance to host a big event sa industry like the Star Awards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending