Bumandera na: gwapong governor ang ‘dyowa’ ni Kris
Hmmmm, ano kaya ang masasabi ni Kris Aquino sa bumandera nang name ngayon ni Bataan Gov. Albert Garcia na siya diumanong lalaki na nagpapasaya ngayon sa TV host?
In fairness, grabe talaga kung tutukan ng supporters and fans (and those who want to know) ang lovelife ni Kris lalo na nang kumpirmahin niyang may idine-date siyang bagong guy kasabay ng pakiusap na ibalato na lang daw sa kanya ang tungkol dito.
Kumalat nga sa social media ang mga pagtatanong at marami ang nag-try na tuklasin ito by simply following and interpreting Kris’ social media posts.
Kaya naman biglang nabura ang mga haka-hakang isang foreigner (binatang diplomat) daw ang guy sa buhay ni Kris dahil ang totoo, isang politiko nga ang nagpapaligaya ngayon sa nanay nina Bimby at Joshua.
At ang tinutukoy nga ay si Bataan Gov. Albert Raymond Sandejas Garcia o Gov. Abet sa mga constituents niya.Dati pala itong two-time Mayor ng Balanga, Bataan (1998-2004) at nagsilbi ring congressman (also for two terms) sa isang distrito doon, and presently nga ay ito ang gobernador ng lalawigan.
Binatang-binata raw ito at 44 years old at gaya rin nating isinilang sa buwan ng Pebrero (Aquarian din) at well-educated. Sa nakita naming mga ipinadalang photos sa amin (yung iba ay kasama pa si Kris sa mga relief-operations and other projects) ng aming mga listeners/televiewers sa DZMM ay halos paniniwalaan mong hindi nga lang sila basta close friends.
Guwapo, mukhang matalino, simpleng ngumiti at tila tahimik at very decent-looking ang nakita naming mga larawan ni Gov. Abet Garcia.
Ngayong pinangalanan na siya, aamin na kaya si Kris o baka gaya ng iniisip ng iba na isa na naman itong “gimik”? Hmmm, para naman kasing teenager pa rin si Kris kung magtago ng lovelife! Pa-suspense pa ba, kapatid na Ervin. Ha-hahaha!
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.