‘Hindi ako nanuhol...mamatay na po ang nagsisinungaling!’ | Bandera

‘Hindi ako nanuhol…mamatay na po ang nagsisinungaling!’

Jobert Sucaldito - March 13, 2014 - 03:00 AM


NABASA namin ang official statement ng PMPC tungkol sa kontrobersiyang kinasasangkutan ng grupo nila ngayon dahil sa pagkakapanalo ni Vice Ganda bilang best actor sa nakaraang Star Awards for Movies.

Narito ang nilalaman ng kanilang press release: “The Philippine Movie Press Club is saddened by the unfortunate turn of events at the recently-concluded 30th PMPC Star Awards for Movies.

“Immediately after the awards ceremonies, a malicious allegation circulated in social media questioning the veracity of our Best Actor winner.

“We strongly refute the said allegation. The voting members gave their utmost trust and confidence to the winners in their respective categories, thereby making the results final, uncontestable and sacred.

“For the past three decades of Star Awards for Movies, the PMPC has weathered the hardest obstacles and has remained undaunted.

There will be forces that will try to destroy the credibility and reputation of the Club, but the PMPC will remain committed to its objectives, and no amount of intimidation and coercion can shake its foundation.

“The PMPC, its Board of Directors and Members, will always stand firm on their decision.”Ini-imagine ko lang sila habang kinu-compose nila ang statement na ito – for sure kahit sila mismo ay tumatayo ang mga balahibo pati sa kanilang kili-kili dahil they are composing a LIE.

Kailangan kasi nilang isalba ang mga pangalan nila dala ng kalokohan ng ilang mga sugapang miyembro. Kawawa naman ang mga matitinong members nila na nadadamay sa kanilang kalokahan.

Pakitanong nga ang grupong ito kung sino ang ibinoto nila – lalo na ang dalawang officer nila at dating presidente…maliwanag na VICE GANDA, di ba? Mamatay na ang nagsisinungaling dito.

Hasus, alam na namin ang buong story diyan kaya huwag na tayong magmaang-maangang pa. Isang malutong na halakhak lang ang katapat niyan! Ha-hahaha!

Naunawaan naman namin that they have to do this to save their faces pero ang kuwela lang (sa mga taong alam ang totoong pangyayari), para siyang komedya.

Kasi nga, alam mo na! Matagal nang praktis iyan – yung ginagawang negosyo ng iba ang awards-awards, hindi lang naman PMPC. But this time, theirs is very alarming dahil garapalan na – mismong voting member nila ang nagla-lobby, wala ng delicadeza.

Many disagree with them with what happened. I also have my share of disappointments here. Yung iba kasi, pinagbibintangan nilang nam-bribe ako dahil sinasabi ko ngang nagbigay ako ng pera sa mga writers na nag-commit sa akin para iboto si Jeorge Estregan of “Boy Golden” over Vice Ganda sa pelikula niyang “Girl Boy Bakla Tomboy”.

Kasi nga, I believe that Gov. ER acted much better than Vice Ganda in these respective projects. Dahil ang totoo talaga niyan ay si Joel Torre raw ang rightful winner for Best Actor kaya lang, sabi nga ng ibang mga taga-PMPC na nakausap namin ay malabong mangyaring manalo si Joel dahil hindi ito nagla-lobby.

Malungkot talaga pero ganoon daw kasi ang sistema nila and when I asked kung sino ang next in line ay sina Vice Ganda nga raw and ER. Doon pumasok sa isipan ko ang i-lobby na lang si Jeorge kung si Vice din lang ang pananalunin nila.

Ang kaso, nauna nang nag-lobby si Vice through his alleged emissary, who is a voting member nga ng PMPC. Namigay na raw ito ng dahtung sa ibang members para ipanalo si Vice.

Kaya napilitan din akong magbigay, not to bribe but to PROTECT the next rightful winner. Ang bribery kasi para sa akin ay isang paglalagay, giving someone monetary consideration or gift to cover up a crime – yung negative.

Kumbaga, para pagtakpan ang negativity. Since hindi nga si Joel Torre ang pananalunin nila, doon ako pumasok para protektahan si Jeorge Estregan who is a more deserving winner than Vice Ganda.

So, I gave to PROTECT the positive kaya I consider it a token or part of the lobbying. Kaya I detest the accusations that I bribed. It doesn’t define kasi my purpose. Iba iyon though ang tingin ng iba ay ganoon iyon. But I disagree.

Hay naku, ganyan talaga ang buhay. Basta sabi ko nga, I don’t blame Vice Ganda here dahil artist lang iyan na nangangarap lamang na mag-level up as an actor and winning a trophy adds to his respectability.

Ang may problema ay yung ilang club members nilang sanay na sa kakaibang laro kaya sila na mismo ang sumisira sa organisasyon nila. Matagal nang nangyayari ito, actually at hindi na bago ang ganitong kalakaran.

Hindi naman ganyan ang PMPC dati eh – napakatino niyan – credible. Pero sa pagpasok ng mga ilang mga suwapang diyan, nawawala na tuloy sila ng kredibilidad.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

I don’t know kung hanggang kailan mananatili ang ganitong laro sa industriya namin. Sana tama na. Sana tuluyan nang mawala ang ganitong sistema sa pagbibigay ng award. Ibigay ang tropeo sa nararapat manalo.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending