AI AI nilandi-landi si Dennis: Puwede ba tayong mag-sex? | Bandera

AI AI nilandi-landi si Dennis: Puwede ba tayong mag-sex?

Julie Bonifacio - March 12, 2014 - 03:00 AM


HAGALPAKAN sa katatawa ang mga dumalo sa 30th Star Awards for Movies kay Comedy Queen Ai Ai delas Alas during her acceptance speech as one of Dekada Awards recipients sa hanay ng mga aktres na nanalo for the past 10 years.

Ginanap ang star-studded awards night sa Solaire Resorts & Casino last Sunday. Laking pasasalamat daw ni Ai Ai na nabigyan siya ng special award na hindi pa nakasakay sa wheelchair.

Pinasalamatan din niya lahat ng mga taong nakatulong sa kanyang career. Pati na ang kanyang bagong inspirasyon, walang iba kundi ang Kapuso actor na si Dennis Trillo.

Yes, Ka Ervin, may bago nang inspirasyon si Ai Ai. Tawa kami nang tawa kay Ai Ai when she said na hindi siya nabagot sa tagal bago i-award sa kanya ang Dekada Award trophy dahil katabi niya sa upuan si Dennis all throughout the night.

Pagtuntong namin ng stage to give an award, natumbok ng paningin namin ang mga mata ni Ai Ai na nasa harap ng stage katabi si Dennis. So, we asked her kung si Dennis ang ka-date niya that night.

“Hindi, dito lang kami nagkita,” pasensyas na sagot ni Ai Ai. Sa pagkakaalam namin, hindi rin personal na magkakilala ang dalawa.  Pagdating sa backstage, tinanong namin si Ai Ai kung type ba niyang yayain ng date si Dennis.

“Nakatabi ko lang sa upuan, date na agad, Mare,” sabay tawa naming dalawa. Aminado si Ai Ai na naguwapuhan siya kay Dennis that night. At hindi natapos ang pagpli-“flirt” ng komedyana sa aktor sa upuan, ha.

Nu’ng in-award na ang mga napiling aktor for Dekada Awards, na kinabibilangan nina Aga Muhlach, John Lloyd Cruz, Dennis, Baron Geisler at Piolo Pascual, nanatili sila sa stage hanggang sa paggawad naman ng parangal kay Ai Ai.

Kaya habang nagsasalita ang konedyana nasa likuran lang niya ang limang aktor. Sa speech ni Ai Ai in-acknowledge niya ang limang aktor. At pagdating kay Dennis, walang kagatul-gatol na sinabi niya ang ganito, “Pwede ba tayong mag-sex?”

Napakalakas ng tawanan ng mga tao. Sabay bawi ni Ai Ai na sinabi lang niya ‘yun para magising ang mga tao at i-edit na lang sa TV airing ng awards night next Sunday sa ABS-CBN.

“Si Dennis lang ang niyaya ko kasi natikman ko na silang lahat,” biro pa ni Ai Ai. Pagkatapos niyang mag-speech saka niya naalala ang direktor niya sa “Ang Tanging Ina” kung saan nanalo siya ng Best Actress na si direk Wenn Deramas, na nakalimutan niyang pasalamatan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending