Coco nagtampo, 1 buwang dinedma sina Kris at Kim | Bandera

Coco nagtampo, 1 buwang dinedma sina Kris at Kim

Ervin Santiago - March 10, 2014 - 03:00 AM

NGAYON lang namin natapos ang Koreanovelang The Baker King na ipinalabas noon sa GMA 7. Maganda pala talaga ang istorya nito at ang gagaling ng mga Korean actors na nagsipagganap sa serye, sa pangunguna ng gwapong si Yoon Shi Yoon bilang si Kim Tak Gu.

In fairness, habang pinapanood namin ang The Baker King, si Coco Martin ang ang naiisip namin. Bukod sa malaki ang pagkakahawig nila ay halos pareho sila ng style sa pag-arte, ultimo ang pagtulo ng luha at sipon nila kapag nagdadrama ay parehong-pareho.

Sabi nga namin, kung gagawan ito ng Pinoy version ay swak na swak si Coco sa role. Samantala, pinag-uusapan ngayon ang mga naging pahayag ni Coco sa late night show nina Kris Aquino at Boy Abunda tungkol sa nakaraan nila ni Kim Chiu pati na ang dalawang beses na pag-reject sa kanya ng ABS-CBN. Sey ng Teleserye King, ito raw ang naging motovation niya para mas magsumikap at marating ang kanyang mga pangarap.

Inamin ni Coco na dahil daw sa pagbibida niya noon sa mga bold movies ay dalawang beses siyang tinanggihan ng Dos.
“Dati binabalewala ako. Actually dalawang beses akong tinanggihan ng ABS-CBN noon.

May isang soap ni Judy Ann Santos, nag-inquire sa amin then okay na yung talent fee, yung role…tinawagan kami para sabihin na ‘Bold star pala ‘yan, hindi pwede.’ Masakit.”

Yung pangalawa ay nu’ng magiging ka-love triangle sana siya nina Shaina Magdayao at  Rayver Cruz sa isang proyeko, “Love triangle ako nina Shaina at Rayver. Tinawagan ulit ako pero yun din ang dahilan nila… na sexy actor pala ako.”

“Yun ang naging pundasyon ko na parang kung ganyan ang tingin ninyo sa akin, papatunayan ko sa inyo,” dagdag pa ni Coco.
“Siyempre noong naranasan ko yun, sumama ang loob ko sa ABS-CBN.

Ang pumansin pa sa akin noon, ibang network. Kumbaga, sa abroad, mataas ang respeto sa amin, tinitingala kami abroad pero pagdating dito sa atin, du’n pa minamaliit.

Nakabawi din naman dahil sila ang nagbukas sa akin ng pinto kung saan man ako ngayon,” paliwanag pa ni Coco. Yung tungkol naman sa balitang sumama ang loob niya noon kay Kim Chiu, sabi ni Coco maraming beses daw silang nagkatampuan.

Dito sumabat si Kris at inaming may kasalanan din siya sa nasabing tampuhan, nag-sorry na raw siya kay Coco about this, “He hated us talaga, nag-naughty lang kami ni Kimmy.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Matagal ‘yon parang mga one month niya kaming hindi kinibo.” Sa pagkakatanda ni Kris, nagsimula raw ito nu’ng punahin nila ang fashion sense ng aktor.

Ayon naman kay Coco, maayos na ang lahat, nagkausap na sila ni Kim bago pa man sila magsimulang mag-taping para sa bago nilang teleserye sa ABS, ang Ikaw Lamang ma magsisimula na ngayong gabi sa Primetime Bida kasama sina Jake Cuenca at Julia Montes.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending