Nets binigo ng Celtics; Blazers tiklop sa Mavs | Bandera

Nets binigo ng Celtics; Blazers tiklop sa Mavs

Melvin Sarangay - , March 09, 2014 - 03:00 AM


BOSTON — Umiskor si Rajon Rondo ng 20 puntos at dinomina ng Boston Celtics ang boards para talunin ang Brooklyn Nets, 91-84, at wakasan ang four-game winning streak nito sa kanilang NBA game kahapon.

Nakaiskor agad ng limang puntos ang Boston sa pagisimula ng laro at hindi sila naghabol mula rito bagamat nagsagawa ang Brooklyn ng 11-puntos na arangkada para tapyasin ang kalamangan nila sa 70-68 may 2:02 ang nalalabi sa ikatlong yugto.

Subalit nakabawi naman ang Celtics at nakuha ang 78-70 abante papasok sa huling yugto at nakalamang pa ng higit sa pitong puntos hanggang matapos ang laban.

Na-outrebound ng Celtics ang Nets, 62-37, bagamat nakagawa sila ng  28 turnovers na doble sa nagawa ng Brooklyn. Nakagawa rin si Rondo ng siyam na assists at pitong rebounds.

Ang Nets ay pinangunahan ni Joe Johnson na umiskor ng 21 puntos habang si Deron Williams ay  may 20 puntos.

Mavericks 103, Trail Blazers 98
Sa Dallas, kumamada si Dirk Nowitzki ng 22 puntos habang tumira si Devin Harris ng go-ahead shot sa huling minuto ng laro para tulungan ang Dallas Mavericks na biguin ang Portland Trail Blazers matapos sayangin ang 30-puntos na kalamangan.

Si LaMarcus Aldridge ay nagtapos na may 30 puntos para sa Trail Blazers kabilang ang 18 puntos sa ikatlong yugto kung saan nakuha nila ang abante sa unang pagkakataon sa 69-67 matapos maghabol sa 44-14 sa kaagahan ng ikalawang yugto.

Winakasan din ng Mavericks ang season-high na tatlong sunod na talo at muntik nang tinapatan ang franchise record na pinakamalaking kalamangan na kanilang sinayang.

Humablot din si Aldridge ng 17 rebounds habang si Wesley Matthews ay may 26 puntos para sa Portland.

( Photo credit to INS )

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending