Erik, Angeline magkaiba ng taste, hindi feel dyowain ang isa’t isa | Bandera

Erik, Angeline magkaiba ng taste, hindi feel dyowain ang isa’t isa

Cristy Fermin - March 07, 2014 - 03:00 AM

ERIK SANTOS AT ANGELINE QUINTO

Nagbubulungan nu’ng isang araw ang mga nadaanan naming miron. Ang kanilang pinag-uusapan nang palihim, sina Erik Santos at Angeline Quinto, parang ayaw nilang paniwalaan ang pinakahuling balita na magkarelasyon na raw ang dalawa.

Maiintindihan naman ang tropa, naunahan na kasi sila ng mga kuwento na hindi puwedeng magkasundo ang dalawang singers dahil magkaiba ang kanilang gusto, ‘yun ang umiikot na balita sa loob at labas ng showbiz nang matagal-tagal na ring panahon.

Kasama kasi palagi ang pangalan ni Erik Santos sa mga male singers na pinagdududahan ang kasarian, si Angeline naman ay palaging naba-blind item tungkol sa kanyang katibuan, ‘yun ang dahilan kung bakit pabulong silang pinagpipistahan ngayon.

Paano raw mangyayaring sila na nga, samantalang mga kabaro rin naman ang hanap ng dalawa, magiging masaya raw kaya sila kung totoong nagkakamabutihan na sila ngayon?

Naging karelasyon nu’n ni Eric si Rufa Mae Quinto at naging masaya naman sila, talaga lang sigurong hindi sila para sa bawat isa dahil nagkahiwalay rin sila agad, Quinto na naman ang napapabalitang inspirasyon ngayon ni Erik.

Ang kilos lang naman ni Angeline ang pinagbabasihan ng balitang tibo ang magaling na singer, wala pang pruwebang lumalantad na ganu’n nga siya, at kung sakali ngang kapwa babae rin ang hanap ng dalaga ay hindi naman siguro krimen ‘yun na kailangan na niyang pagdusahan.

Para sa amin, hanggang maligaya sina Erik Santos at Angeline Quinto sa piling ng isa’t isa at hanggang wala silang tinatapakang ibang tao sa kanilang relasyon, walang bawal at walang mali sa kanilang nararamdaman ngayon.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending