Carlo Mendoza aka Gigil Kid nakiisa sa rally, nag-sorry

Carlo Mendoza aka Gigil Kid nakiisa sa rally, nag-sorry

Therese Arceo - December 03, 2024 - 08:26 PM

Carlo Mendoza aka Gigil Kid nakiisa sa rally, nag-sorry

HUMINGI ng tawad ang social media personality at dating child actor na si Carlo Mendoza na mas nakilala noon bilang si Gigil Kid.

Ito ay matapos siyant makilahok sa isang rally kamakailan.

Sa kanyang Facebook page ay humingi ng paumanhin sa publiko si Carlo dahil sa kontrobersyang kinasangkutan.

“Bata pa lang po ako pero dala ng mabibigat na pangyayari sa buhay ko na hindi alam ng nakararami. Nakikinig, nagbabasa, at sumusubaybay na po talaga ako sa nangyayari sa paligid.

Baka Bet Mo: Vice Ganda inaming si Gigil Kid ang ‘discoverer’ ni Ion Perez: ‘Yung happy part ng life ko na ‘yun, malaking part ka

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Gigil Kid – Carlo Mendoza (@gigilkid)

“Ang kabataan po sa panahon ngayon ay bukas na ang kaisipan dulot ng maagang pagmulat sa kahirapan,” saad ni Carlos.

Kasunod nito ay ang paghingi niya ng pasensya sa mga tao at sinabing nais lamang niyang ilabas ang kanyang saloobin.

“Humihingi po ako ng pasensya sa lahat ng tao. Ang kagustuhan ko lang po talaga ay mailabas ang aking saloobin bilang kabataan na umaasa ng maayos na pamumuhay sa ating bayan,” sey pa ni Carlos.

Hinimok rin ng binata ang kapwa kabataan na ipagpatuloy ang pagmamasid sa mga nangyayari sa paligid.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sinabi rin ni Carlo na manatili ang pananalig sa Panginoon sa anumang pinagdaraanang pagsubok sa buhay.

Umani naman ng samu’t saring komento mula sa madlang pipol ang naturang post ng dating child star.

Sinabi naman ni Carlo na mananatili siyang bukas sa pag-unawa ng iba’t ibang opinyon ng mga tao at hangad ang mas maayos na kinabukasan para sa mga Pilipino.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending