Suwerte sa abroad at pag-ibig (2) | Bandera

Suwerte sa abroad at pag-ibig (2)

Joseph Greenfield - March 06, 2014 - 03:04 AM

Sulat mula kay ng Karen Sitio Dacudao,  Agdao, Davao City  
Problema:
1.      Dati na akong D.H. taon 2007 hanggang 2010, pero naubos na ang kinita at naipon ko simula ng magkasakit ang father ko. Ako kasi ang gumastos sa lahat ng kanyang pampagamot. Kaya sa ngayon ay nag-aaplay na naman ako pero ang tagal-tagal na ng papeles ko sa agency na inaaplayan ko hanggang ngayon di pa rin ako napapaalis.
2.      Naisipan kong sumangguni sa inyo upang itanong kung may pag-asa pa kaya akong makaalis ngayong taong ito ng 2014? At kung sakaling makaalis ako magiging maganda kaya ang kalagayan ko sa bansang pupuntahan ko?
3.      Siya nga po pala dahil sa pag-aasikaso sa aming pamilya, nakalimutan ko na ang love life ko. Sa edad ko po bang 32 years old na sa darating na May 25, makapag-aasawa pa kaya ako?
Umaasa,
Karen ng Davao City
Solusyon/Analysis:
Astrology:
Ang zodiac sign mong Gemini (Illustration 2.) ang nagsasabing sa isang paglalakbay makikilala mo ang iyong true love na nagtataglay ng zodiac sign na Sagittarius. Ibig sabihin sa sandaling may isang Sagittarius na lalaki na dumating sa iyong buhay, tiyak na siya na ang iyong makakatuluyan.
Numerology:
Ang birth date mong 25 ay nagsasabing ang tinutukoy na lalaki sa Astrology ay nagtataglay ng birth date na 2, 11, 20, 29, 8, 17, at 26. Kapag dumating na sa buhay mo ang lalaking nabanggit, iyon ang tanda na magkaka-boyfriend ka na hanggang sa tuluyang makapag-asawa.
Graphology:
Ayon sa iyong lagda na umaangat patungong langit, ngayon palang nasasagap na ng unconscious self mo ang maaaring maganap, kung saan, sa taon ding ito ng 2014 sa Mayo hanggang Hunyo, itatala na ang ikalawang mas mabunga at mas mabiyayang pangingibang bansa.
Luscher Color Test:
Mapalad ka naman sa kulay na berde, silver, at dilaw, gayon din ang lahat ng kulay na metal. Kapag isinuot o ginamit mong lagi ang nasabing mga  kulay lalo kang susuwertehin at magtatagumpay.
Huling payo at paalala:
Karen, ayon sa iyong kapalaran sa taong ito ng 2014 magsisimula na ang iyong suwerte. Sa buwan ng Mayo makapag-aabroad ka at sa nasabing pangingibang bansa, doon mo na rin makikilala ang una at huling lalaking iyong mamahalin, hanggang sa ang nasabing relasyon ay humantong sa isang masaya at panghabang buhay ng pag-aasawa na nakatakdang maganap sa 2016 sa edad mong 34 pataas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending