Louise pinagalitan ni Marian, pinayuhan ng tamang akting sa ‘Kambal Sirena’
Inamin ni Louise delos Reyes na pinagalitan siya ni Marian Rivera nu’ng magkita sila sa Sunday All Stars kung saan nag-guest judge ang GMA Primetime Queen.
Chika ng bida sa bagong fantaserye ng GMA 7 na Kambal Sirena, sinita raw siya ni Marian dahil sa kanyang akting bilang twins. Napansin kasi ng aktres sa trailer-teaser ng nasabing serye na halos magkapareho lang ang akting niya bilang kambal na sirena nga.
Kailangan daw lumutang ang magkaibang personalidad ng kambal at ma-differentiate ang kanyang dalawang karakter. Matatalino na raw kasi ang mag viewers ngayon at madali nilang napapansin ang kahit mga maliliit na detalye ng akting ng mga artista.
In fairness, tinanggap naman ni Louise ang advice ni Marian at malaki ang respeto niya sa kanyang “ate” sa showbiz at nanggaling na rin ito sa pagganap bilang sirena (sa remake ng Dyesebel).
Kaya nga raw ito tinaguriang Primetime Queen dahil isa siya sa pinakamagagaling na aktres sa bansa. Isa pang paalala sa kanya ni Marian ay ang maging matatag sa pagharap sa mga intriga at tsismis, lalo na ngayong magkakaroon sila ng mabigat na katapat sa ABS-CBN na may tema ring sirena, ito ngang Dyesebel ni Anne Curtis.
In fairness, marami na rin namang napatunayan si Louise bilang aktres, puro top-rating ang mga nakaraan niyang serye sa GMA tulad ng Alakdana, One True Love at Mundo Mo’y Akin.
At ngayon nga sa Kambal Sirena, mas pahihirapan si Louise dahil kambal nga ang role niya sa kuwento bilang sina Alona at Perlas. Dalawa ang leading man niya rito, sina Aljur Abrenica at Mike Tan.
Makakasama rin dito ang mga magagaling at premyadong artista tulad nina Lotlot de Leon bilang nanay ni Aljur, Mickey Ferriols as the mother of the twins, Tessie Tomas, Nova Villa, Pancho Magno, Wynwyn Marquez, Chanda Romero, Angelika dela Cruz, Gladys Reyes, Polo Ravales, Ritz Azul, with Ryan Eigenmann at Yul Servo, sa direksiyon ni Dondon Santos.
Magsisimula na ito sa March 10 after 24 Oras sa GMA Telebabad.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.