Vilma pinipilit tumakbong VP sa 2016; Pwede ring Pangulo

By Cristy Fermin March 05,2014
share this

Vilma pinipilit tumakbong VP sa 2016; Pwede ring Pangulo

By Cristy Fermin March 05,2014
share this


Malayo pa ang 2016 pero ngayon pa lang ay lumulutang na ang pangalan ni Governor Vilma Santos bilang running mate ng mga kakandidatong pangulo ng ating bayan.

Hindi nawawala ang kanyang pangalan sa lahat ng partido, siya ang napipisil ng mga itong pumareha sa kakandidato nila sa panguluhan, ibang-iba talaga ang tunog at ningning ng pangalan ng Star For All Seasons hindi lang sa lokal na aliwan kundi maging sa larangan ng politika man.

Sa isang ambush interview ay napanood namin ang isinagot ni Senator Ralph Recto nang tanungin ito kung gaano katotoong si Governor Vilma ang makakatuwang ni VP Jejomar Binay sa 2016, ang kanyang sagot, “Hindi totoo ‘yun, walang planong tumakbo si Vilma Sa 2016.”

Ganu’n lang kasimple ang sagot ng mambabatas, hindi naman nito sinabi kung ang kanyang tinutukoy ay mataas na posisyon, basta ang malinaw na sinabi ni Senator Ralph ay hindi raw tatakbo si Governor Vilma sa 2016.

Ngayon pa lang ay matunog na ang pangalan ng aktres sa mga personalidad na kamanok-manok sa darating na halalan, isa lang ang ibig sabihin nu’n, malinis ang imahe ng aktres-politiko at naniniwala ang mga partido na kapag siya ang nakatuwang sa mataas na posisyon ay liyamado ang kanilang tambalan.

Nu’n pa mang una siyang maposisyon bilang mayor ng Lipa City ay palagi nang ipinakakadiin-diin ni Governor Vilma na hindi niya pinangarap kailanman ang maging politiko.

Pero hiningi siya ng kanyang mga kababayan, itinulak siya sa serbisyo-publiko, hanggang sa matutuhan na ring mahalin ng aktres-politiko ang kanyang sinumpaang trabaho.

Vice-President Vilma Santos-Recto. Sa kalaunan ay magiging President Vilma Santos-Recto na. Ang ganda sa pandinig!

( Photo credit to Entertainment Inquirer.Net )

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending