TOTOO bang cry me a river daw ang drama ni KC Concepcion sa isang event kung saan nakasama niya si Piolo Pascual?
Si KC ang host ng nasabing event at isa naman si Piolo sa mga performers noong gabing iyon.
Ang tsismis, ayaw raw pumayag ni Piolo na lumabas ng dressing room hangga’t nasa stage pa raw si KC.
Talagang hindi muna ito lumabas ng kayang kuwarto habang nagho-host pa ang dalagang anak ni Sharon Cuneta.
Nang malaman daw ito ni KC, napaiyak daw nang husto ang dalaga. Nagtungo ito sa comfort room at doon ibinuhos ang sama ng loob.
Pilit namang pinakalma si KC ng production staff na nag-worry nang husto sa kalagayan ng dalaga.
Pagkatapos daw ng kanyang hosting ay dali-daling umalis rin ang TV host-actress na masamang-masama pa rin ang loob. Ilang beses nang nagkasabay sa iisang event sina KC at Piolo at sa tuwina ay lagi silang nag-iiwasan.
Until now kasi ay masakit pa rin para kay KC ang break-up nila ni Piolo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.