Coco napilitang sumayaw sa Japan para protektahan si Kim | Bandera

Coco napilitang sumayaw sa Japan para protektahan si Kim

Ervin Santiago - February 28, 2014 - 03:00 AM

KIM CHIU AT COCO MARTIN

BINANTAYAN ni Coco Martin at sinigurong safe ang bago niyang ka-loveteam na si Kim Chiu nang magpunta sila sa isang bar sa Japan kamakailan.
Kuwento ni Coco sa presscon ng bago niyang teleserye sa ABS-CBN, ang Ikaw Lamang na magsisimula na sa March 10 sa Primetime Bida, naging maganda naman ang bonding moments nila ni Kim sa nasabing bansa kaya nang simulan na ang taping ng kanilang serye ay komportable na sila sa isa’t isa.

“Ngayon, siyempre, nagsisimula pa lang kami. Marami pang kailangang i-discover sa isa’t isa Siguro mas mabibigyan pa kami ng time para makilala ang isa’t isa.

“Actually, nagsimula na iyan noong nag-show kami sa Japan, noong magkasama kami ni Kim. May time kasi doon na after the show, yung mga kasama namin nag-invite na lumabas kahit paano.

“Tapos sinubukan lang namin, kasi nga dito sa Pilipinas, hindi naman talaga kami nakakalabas. Sinubukan naming pumunta sa isang bar, ayun, nag-party-party kami.

“E, hindi naman ako sumasayaw. Sobrang sikip talaga ng bar, siyempre alangan naman hayaan ko lang si Kim na sumayaw mag-isa doon at matabihan ng kung sinu-sinong mga lalaki.

“Kaya sabi ko, at least kahit kahiyaan. E, humahataw si Kim kaya napahataw na din ako!” tawa nang tawang chika ni Coco.
Inamin din ng Teleserye King ng Kapamilya network na matagal na siyang nagagandahan kay Kim, “Siyempre, wala namang kahit sinong artistang lalaki dito sa ABS-CBN na hindi nagagandahan kay Kim.

“Honestly, yung movie nga nila (ni Xian Lim na Bride For Rent), sobrang cute. Kasi nu’ng pinanonood ko yun, nakikita ko na parang nakikita ko yung totoong Kim Chiu. Kasi siyang-siya yun, e, yung pagiging fun niya, cute,” sey pa ng aktor.

Samantala, natanong naman si Kim sa presscon ng Ikaw Lamang kung ano ang reaksiyon ni Xian Lim na si Coco na ang bago niyang leading man. Sagot ng aktres, habang ginagawa nila ni Xian ang “Bride For Rent” ay alam na ni Xian ang tungkol sa Ikaw Lamang.

At tanggap naman daw ito ng binata, “Parang it’s time for growth na rin siguro. Pero hindi rin naman paghihiwalayin ang tandem namin ni Xian since may movie nga kami this coming third quarter na gagawin.

“Si Xian din, mayroon din naman siyang gagawin na teleserye, so wala naman sigurong pagbubuwag. And kung ano man po yung proyekto na ibinigay sa amin, we’re very happy and very thankful.

“Siguro naman po, kung si Xian ang nasa lugar ko, ganun din po ang tatanggapin niya, kasi iba po ang pakiramdam na mapabilang sa teleseryeng ito,” paliwanag ni Kim.

Natutuwa rin si Kim dahil nangako raw ang KimXi fans na suportado ng mga ito ang tandem nila ni Coco, “Yung suporta ng mga fans, nandoon pa rin naman and hindi pa rin sila nawawala.

“Nag-promise sila na susuportahan nila yung bawat proyekto namin ni Xian, and dodoblehin nila yung suporta nila sa mga ginagawa namin ngayon,” esplika pa ng Teleserye Princess ng Dos.

For his part, sinabi naman ni Coco na natatrabaho lang naman sila ni Kim at sana raw ay matanggap rin ng mga fans ng aktres at ni Xian ang kanilang bagong soap opera. Sey pa nga ni Coco, gusto rin niyang makatrabaho si Xian in the future.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Makakasama naman nina Kim at Coco sa Ikaw Lamang sina Jake Cuenca, Julia Montes, Cherie Gil, Tirso Cruz III, Ronaldo Valdez, Cherry Pie Picache, John Estrada, Meryl Soriano at marami pang iba.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending