Kylie: Napraning ako, baka may tumor ako sa utak! | Bandera

Kylie: Napraning ako, baka may tumor ako sa utak!

Ervin Santiago - February 24, 2014 - 03:00 AM


PRANING si Kylie Padilla pagdating sa sakit. Makaramdam lang siya ng kakaiba sa katawan niya, medyo magpapa-panic na siya. Ganito nga ang nangyari sa kanya nitong mga nakaraang buwan habang ginagawa niya ang seryeng Adarna sa GMA 7.

Ayon kay  Kylie nang makakuwentuhan namin sa pocket presscon ng Adarna, nakatakda siyang umalis patungong Australia sa March 18, dadalawin niya doon ang kanyang inang si Liezl Sycangco at iba pang kaanak.

Sasamantalahin na rin daw niya ang makapag-rest nang bonggang-bongga. Isang buwan siyang mawawala. Dito na nga naitanong kay Kylie kung may kinalaman ba ito sa pagkaka-confine niya kamakailan sa ospital, utos ba ng doktor na magpahinga muna siya sa pagtatrabaho?

“Ano lang, migraine. Stress lang daw. Nagpa-MRI (magnetic resonance imaging) ako kasi baka may tumor na hindi ko alam. Praning ako sa mga ganyan kasi, hindi mawala. Ang tagal.

“Tapos ang hirap mag-concentrate. Naging bitch ako sa set. Akala nila bitch ako, pero hindi, ang sakit talaga ng ulo ko,” pahayag ng girlfriend ni Aljur Abrenica.

At dahil isang buwan nga siyang mawawala sa Pilipinas, plano sanang i-treat ni Kylie si Aljur sa darating na birthday nito (March 24), hindi na kasi niya makakasama ang binata sa mismong kaarawan nito kaya in-advance na niya ang kanyang regalo.

Ang tinutukoy ni Kylie ay ang ginawa niyang video kung saan mapapanood ang mga sweet moments nila ni Aljur. Siya na rin ang nag-post nito sa YouTube para makita ng kanilang fans.

“May YouTube channel ako, so yun ang naisip kong episode, yung Valentine’s namin. Pero ang plano ko talaga, iti-treat ko siya, kaming dalawa lang. Kasi mawawala ako for his birthday, mag-o-Australia ako, one month,” chika pa ng anak ni Robin Padilla.

Sey ni Kylie sobrang bait at sobrang lambing na boyfriend ni Aljur kaya wala na siyang mahihiling pa. Nang matanong kung ano ang regalo nila sa isa’t isa noong Valentine’s day, “Yung time, yun na yun.

Si Aljur kasi, hindi rin naman kasi siya maano sa gamit. Si Aljur, binigyan niya ‘ko ng flowers. ‘Tapos ako, yun, treat ko yun sa kanya.”

Speaking of Adarna naman, diretsong sinabi ng dalaga na nagulat siya sa pagpasok ni Solenn Heussaff sa kanilang fantaserye, buong akala kasi niya siya talaga ang Ibong Adarna, “Noong una talaga, nabigla ako.

Kasi, akala ko, ako ang Ibong Adarna. Sa totoo lang. “Pero sabi ko, okay, kung kailangan sa istorya. Nabigla ako, but then, you know, ganoon talaga,” aniya.

Paano ipinaliwanag sa kanya ang pagpasok ni Solenn?  “Actually nga, ang sama nga ng dating, may tsumismis lang sa akin. Mine-make-up-an ako, sabi ko, ‘What? Ano ang nangyayari?’ Nagulat ako.

“Pero kasi, yung nag-tsismis, hindi niya iniisip ang sinasabi niya. Pero siyempre, si Ms. Winnie (Reyes, executive producer ng serye) na ang lumapit sa akin.

Sabi nga niya, papasok daw para subukan si Migo (Geoff Eigenmann), tuksuhin at kung bibigay, hindi siya ang karapat-dapat sa akin. “Pero kung babalik siya at hindi niya aanuhin, para sa akin talaga.

At saka, ako naman kasi, si Ada, parang siya ang pinakamalakas na boses. At saka, ako ang bubuhay sa itlog,” paliwanag ni Kylie.

May tsismis din na disappointed siya dahil kaunti lang ang action scenes niya sa Adarna, true ba? “Actually, binigyan naman ako ng one fight scene, maganda naman.

Okay lang kasi siyempre, kung hindi kailangan sa istorya, hindi mo naman ipipilit, e. Maganda naman ang nangyari kahit puro iyak ako.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Napapanood pa rin ang Adarna sa Primetime Bida after 24 Oras, kasama rin dito ang tatlong leading men niya – sina Mikael Daez, Benjamin Alves at Geoff, at sina Michelle Madrigal, Jean Garcia, Ryza Cenon at marami pang iba, sa direksyon ni Ricky Davao.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending