Anne: Inaamin ko, baliw-baliwan ako!
TATLO hanggang apat na taon pang maghihintay si Erwan Heussaff bago sila makasal ni Anne Curtis. Ito ang sinabi ng Kapamilya leading lady nang makachika siya ng entertainment press sa mismong birthday niya nu’ng Lunes ng hapon.
Naikuwento kasi ni Anne na plano nilang magbakasyon ng kanyang boyfriend sa Burma sa darating na Holy Week at isa sa mga itinanong sa kanya kung sasagot ba siya ng “oo” kapag nag-propose si Erwan sa kanya sa Burma o nararamdaman ba niya na malapit nang mag-propose ang binata.
“Feeling ko, hindi pa, because he’s two years younger than me,” tugon ng aktres-TV host kasabay ng pagsasabing feeling niya ay hindi pa rin handa ang kanyang dyowa sa pagpapakasal.
“Hindi pa. ‘Di ba, a guy will only think about that when he’s already 30? Wala pa sa isip ko…when it happens, it happens. Maybe in three to four years.
“I’d like to focus on my career at the moment, pero if it happens, it happens. I’m not gonna peg na kailangan in four years, propose. As of now, I think we’re both concentrating on our careers,” paliwanag ni Anne na mas lalo pang pumayat ngayon dahil sa kanyang paghahanda sa fantaseryeng Dyesebel na malapit n’yo nang mapanood sa Primetime Bida.
May dream wedding na ba siya? “Actually, wala pa rin talaga. Pero kapag naiisip ko parang type ko ‘yung sunset wedding, I think it’s very beautiful, so romantic. Pwedeng sa beach, pwede rin sa mountains, basta outdoor!”
Samantala, speaking of Dyesebel, hanggang ngayon ay marami pa rin ang nangnenega sa pagkakapili sa kanya bilang bida ng nasabing serye under Dreamscape Entertainment. May chika na hindi raw siya deserving sa project.
May lumabas pang balita na may mga Kapamilya youngstar na naimbiyerna dahil sa kanya ibinigay ang buntot ni Dyesebel, isa na raw diumano si KC Concepcion.
Sagot dito ni Anne, “Hindi ko alam, I don’t know anything. Basta ang alam ko, when I arrived from Canada, the next day, ipinatawag na ako. I really had no idea.”
Hindi ba siya nasasaktan kapag may nababasa o naririnig siya na hindi na raw siya masyadong fresh para sa role? “Of course not. Kahit naman ako nagulat din. But I don’t look my age, ‘yan ang sinabi…I don’t look my age.
“And how I am as a person, I don’t act my age,” natatawa pa niyang chika. E, handa na ba siya na maikumpara sa huling gumanap na Dyesebel sa TV na si Marian Rivera (sa GMA 7)? “Yes, and you know, that’s nothing compared to what I’ve been through.
I don’t think anything could really hurt me anymore, parang di ka na naa-affect,” na ang tinutukoy nga ay ang pagkakasangkot niya sa isang iskandalo bago matapos ang 2013 kung saan na-involve pa ang pangalan ni John Lloyd Cruz.
Anyway, ngayong 29 na siya, meron pa ba siyang hinihiling para sa kanyang kaarawan? “More than anything, just to have another great year, success for Dyesebel.”
May nagtanong naman kay Anne kung totoo ba para sa kanya ang kasabihan na kapag isinilang sa buwan ng Pebrero, weird daw, “True… baliw! Ha-hahaha! Everything, lahat sA akin. I’m just a weirdo. But I like my weirdness.
“Baliw-baliwan, kulang-kulang…‘yan ang sabi nila, ‘di ba?” hirit pa ni Annebisyosa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.