Kris nilalandi nina Daniel, Justin Bieber at Justin Timberlake | Bandera

Kris nilalandi nina Daniel, Justin Bieber at Justin Timberlake

Jobert Sucaldito - February 19, 2014 - 03:00 AM


KUNG naaalala niyo pa, merong statement si Kris Aquino before na hindi na muna siya magbo-boyfriend at ibubuhos na lang niya ang oras at atensiyon niya sa kanyang mga kids.

Siyempre, that time tumaas ang kilay naming lahat dahil hindi kami naniniwalang Kris can live without a man. Sa track record niya and everything that has been said about her, she is the type na hanggang sa pagtanda siguro ay kailangan niya ng comfort sa mga bisig ng isang matikas na lalaki.

But if you think it over, nasabi ni Kris iyon sa gitna ng promo niya about something. Ganyan naman ang babaeng iyan, eh. Nagsu-surface every now and then pag gustong ma-hit ang newspapers’ headlines.

Hindi siya nawawalan ng gimmick sa katawan. Sabi nga namin, Kris is the best publicist of herself. Mahusay tumayming ang babaeng iyan.

Kahit pinagtatawanan sa kaniyang mga statements ay walang paki – ang mahalaga lang sa kanya ay ang napag-uusapan siya. That the way she is sa tingin namin.

Ang palaging isyu sa kaniya ay ang pagkakaroon ng suitors na mayayaman. Palaging nakakabit sa pagkakaroon niya ng manliligaw ay “mayaman” ang mga ito.

Hindi yata siya nag-i-entertain ng mahirap na manliligaw. Natatakot sigurong mahuthutan. Ha-hahaha!  Nagising siguro sa isang malaking bangungot (sa kaniya rin nanggaling na iniisahan siya ni James Yap noong kasagsagan ng hiwalayan niya – the cager was asking daw for more than what he deserved that time).

There was a time na sinabi ni Kris that she’d like to settle with someone who is filthy rich dahil gusto niyang magtayo ng sarili niyang network. Remember? Then after that, everytime she travels ay meron siya palaging kuwento sa kaniyang pag-uwi – na kesyo meron siyang naka-dinner na super-rich na lalaki – may edad – na nanliligaw sa kaniya or what pero wala naman siyang naipapakitang litrato o concrete na ebidensiya na itong mga lalaking ito ay sinundan siya sa Pilipinas para ligawan siya or what.

Are these all imaginary? Epekto na ba ito ng sobra niyang ilusyon na maging reyna sa mundo, ilusyon na merong lalaking nababaliw sa kaniyang kagandahan or a simple illusion na maganda siya?

Ang latest niyang chika ay meron daw siyang masugid na manliligaw ngayon, isang di raw kaguwapuhan pero matalino and rich. As in, super rich naman daw. Someone whispered to us na sabi raw ni Kris ay may edad na ito pero sobrang yaman.

Hindi pa man natin nasisilayan kung sinuman ang lalaking ito (kung nag-i-exist nga ito or another illusion lamang) ay may bago na namang pronouncement si Kris, na kesyo tinext daw siya ng lalaki at sinabing hindi na niya ito tatawagan or iti-text for the rest of his life. In short, tumigil na raw ang lalaki sa panliligaw sa kaniya for some reasons.

Ano na namang drama ito ni Kris? May pa-self-deprecate pang pa-eclat, di ba? An act na nada-downplay ang kaniyang pagmamataas para makakonek na naman sa masa.

Siyempre, ang mga bulag niyang fans ay natutuwa that someone of her stature ay kiyemeng nakakatanggap din ng failure like many of them. Making her kiyeme a human being like them.

Pero nakataas pa rin ang kilay ng people in the know – kung iyon bang sinasabi niyang lalaki ay existent or etchos lang nya para meron lang mapag-usapan of her.

Funny talaga si Kris, di ba? Akala ko ba hindi na niya iniisip ang pagbo-boyfriend dahil ibubuhos na lang niya ang kaniyang puso sa kaniyang dalawang mga anak.

Ano yung statement na iyon? Pang-two weeks lang? Kakaloka ang babaeng ito. May sarili talagang mundo. Ano na naman kaya ang next niyang ia-announce? Na nililigawan na rin siya ni Justin Timberlake? Ni Justin Bieber, ng Prince of Wales? Na nililigawan naman siya ni Daniel Padilla? What? Let’s wait for another Kris Aquino story na galing mismo sa sarili niyang bibig, na galing mismo sa ginawa niyang press release para sa sarili niya! Ha-hahaha!

And she always uses the name of God sa mga drama niya sa buhay – na palagi siyang nagpi-pray para bigyan siya ng sign ng Diyos kung puwede na siyang mag-boyfriend or what?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ayaw ni Lord ng masyado siyang nagagamit sa kung anu-anong personal na kabalbalan ha, that’s a reminder sa bawat isa sa atin. Kaya tuloy litung-lito na kami kung ito bang si Kris ay komedyana or what. She’s truly one of a kind. Or the one and only, what dya think?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending