East nagwagi sa NBA ALL-STAR Game
NEW ORLEANS — Sa pangunguna nina Kyrie Erving at Carmelo Anthony ay nanaig ang Eastern Conference team kontra Western Conference team, 163-155, kahapon sa 2014 NBA All-Star Game.
Pinarangalan si Irving bilang Most Valuable Player ng laro matapos na kumulekta ng 31 puntos at 14 assists. Nag-ambag naman ng 30 puntos si Anthony na nagtala naman ng All-Star Game record sa tinira niyang walong three-point shots.
Tinapatan ng dalawa ang magandang paglalaro ng mga West players na sina Kevin Durant at Blake Griffin na kapwa nagtapos na may 38 puntos. Kinapos sila ng apat na puntos para mapantayan ang record ni Wilt Chamberlain.
Naghabol ang East mula sa 18 puntos na pagkakalubog ay kinailangan nilang wakasan ang laro sa 10-0 run para manalo. Napatid naman ng East ang tatlong diretsong taong pamamayagpag ng West sa naturang mid-season classic na kinatampukan ng mga pinaka-mahuhusay na manlalaro ng NBA.
Nagdagdag naman ng 22 puntos, pitong rebounds at pitong assists si LeBron James habang tumikada ng 18 puntos si Paul George para sa East.
“The superstars of our league were just telling us to compete on every play,” wika ni Irving. “Trying to play as much defense as possible.
You know, sticking to our game plan. We had a game plan going in and we executed.” Ang pinagsamang 218 puntos ng dalawang koponan ay isa ring bagong All-Star record. Ang dating marka ay 303 puntos noong 1987.
Hindi naman nakapaglaro kahapon si 16-time All-Star Kobe Bryant dahil sa injury. Ang pumalit sa kanyang puwesto bilang starter ay si James Harden na tumapos na may walong puntos at limang assists.
Nakontento na lamang si Bryant bilang cheer leader ng West team ngunit sinabi niyang nais niyang makapaglaro sa isa pang All-Star Game o sumali sa three-point shootout sa hinaharap.
Tampok naman sa laro ang short-sleeve jersey na siyang pino-promote ng liga ngayon. Walang nakasulat na numero sa harap ng jersey ngunit may imahe ng ‘fleur-de-lis’ na isa sa mga simbolo ng New Orleans.
Ang West team ay may kulay pula at asul habang ang East team naman ay may kulay blue asul at berde.
( Photo credit to INS )
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.