James Yap: Natupad agad ang birthday wish ko! | Bandera

James Yap: Natupad agad ang birthday wish ko!

Ambet Nabus - February 18, 2014 - 03:00 AM


“Kumpleto na ang birthday ko!” Ito ang bahagi ng mensaheng nalaman namin mula sa aming kumpareng James Yap na nag-celebrate  ng kanyang kaarawan noong Feb. 15, kasama sina Bimby at Josh.

Hindi na nagbigay ng iba pang detalye si James sa nangyari last Saturday dahil gusto daw niyang maging pribado na lang yun for him at sa mga bata.
In fact, tiniis nga niyang mag-celebrate nang hindi kasama ang kanyang GF na si MichellaCazzola. “Naintindihan naman niya.

Alam niya,” matipid pang sagot ni pareng James hinggil sa hangad niyang maka-bonding ang anak at si Josh na matagal nga niyang hindi nakakasama at nakikita.

Kasalukuyang lumalaban ang koponan ni James sa PBA Finals (laban sa Rain or Shine) at naging madugo nga ang pagpasok nila dito dahil ang pinaka-popular na sister team nilang Ginebra San Miguel ang nakalaban nila.

In fact, may mga nagparatang pa nga kay James ng  pagbebenta ng laro nu’ng magkaroon ito “off-night” sa isa sa  game series nila, pero dinedma na lang ito ng ating kaibigan.

Ipinagtanggol pa nga siya ng dating asawang si Kris Aquino sa bago nitong programa sa gabi kasama si Kuya Boy Abunda, to which we strongly agree naman. “Bonus na lang kung ano ang kahihinatnan ng game namin sa PBA.

Nakikita naman ng lahat na ginagawa namin ang dapat. Team effort naman yun at hindi lang dahil sa akin. Basta sa ngayon, natupad na yung birthday wish ko at sana mag-open pa ito ng maraming positive na bagay sa amin ng anak ko,” pahayag pa ni pareng James.

( Photo credit to Google )

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending