Iza Calzado trip ‘MATIKMAN’ sina Jericho at John Lloyd
NAPAKAHUSAY ni Iza Calzado sa confrontation scene nila ni Toni Gonzaga sa “Starting Over Again.” Mula sa quiet moments niya habang may binubutinting na kung ano hanggang sa paggalaw lang ng mata expressing her thoughts sa mga sinasabi ni Toni, hihintayin talaga ng viewer kung ano ang ibabato niyang linya sa leading lady ni Piolo Pascual sa movie.
“Actually, dalawang beses naming ginawa ‘yun, e. Nu’ng una, bandang alas-kwatro na ng umaga. Umiiyak na talaga ako. Hindi ko na mapigilan. Take one, two, three, hala! Iyak na ako ng iyak. Hindi ko na makuha kasi pagod na pagod na ako.
So, nu’ng second day, alas singko naman ng umaga ‘yun, pero, siguro mas natimpla ko na. At nu’ng mas natimpla ko na ‘yung character ko doon, ‘Ah, eto, ‘yung gusto ni Inang (Direk Olivia Lamasan) na mangyari. Dinasalan ko ng matindi. Nakinig si God, as always,” kwento ni Iza.
Two and a half days daw nilang kinunan ang confrontation scene sa movie, “Kasi ang tagal, e, mula sa pagdating, iba-iba ‘yung set-up, hanggang sa, two and a half kasama na ‘yung bagsakan (ng kahoy). Ang hirap po ng eksena na ‘yun,” diin ni Iza.
May mga nagsasabi na nasapawan daw niya si Toni sa eksena nilang dalawa. “Hindi po,” mabilis na tanggi ni Iza. “Kasi hindi mo naman masasapawan ‘yung bida, e.
Kahit ano’ng gawin mo, (ang) nangyayari lang kasi because mas moments are few so, you remember when I come out. But she’s the lead, you cannot, ano, sapawan her. You cannot.
“Kasi kung hindi siya (Toni), hindi magtatagumpay ‘yung pelikula if she didn’t give her all. E, ang ganda ng pelikula, so, ibig sabihin magaling po ‘yung mga bida, at kasama na rin ‘yung mga nag-support, yes! Ang kapal ng mukha,” sabay tawa niya.
Okey lang daw sa kanya kung another supporting role ang ibigay sa kanya ng Star Cinema. Pero maganda rin kung bibigyan din siya ng lead role sa movie which is most likely dumating sooner than what she expected dahil sa napakahusay na performance niya at lakas sa takilya ng movie.
Syempre, may specific role rin na type gawin si Iza for her first lead role sa Star Cinema, “Basta ano, mahirap mag-romcom (romantic-comedy). Well, maganda lang doon kasi I never done it before. But it’s hard because in 11 years in the business, pushing 12, I’ve never done it before.
“So, since my brand is really drama, pwede siyang, kumbaga, kung si Toni, this is her romance-drama with light moments, baka pwedeng ako, e, drama with some light moments.
Kasi kailangan, e. Otherwise, will feel so bored unless it’s really straight-up drama-suspense. ‘Yun ang gusto ko, e, suspense. That’s really my thing. Like, maybe may serial killer, ‘yan. Medyo trip ko ang mga ganyang movie.”
E, sino naman kaya ang type niyang maging leading man sa movie niya? “Bahala na po kung sino ang ibibigay ni God. Marami, e. Syempre, Jericho (Rosales), John Lloyd (Cruz). Sino pa ba? E, makasama lang, okey na. “
Type rin daw niyang makasama si Bea Alonzo sa pelikula. “Pero hindi loveteam. Ha-hahaha! ‘Yung makasama lang. Sabi ko nga sa kanya, ‘Bea, ‘Lika na. Ano ba?’ Kaibigan ko siya, e. Tapos magaan ang loob ko sa kanya. Kaya sabi ko gawa kami ng pelikula.”
If ever, we suggested to her na pwede ang kwento ng movie noon nina Rio Locsin at Lorna Tolentino na “The Sisters.” Or ‘yung suggestion ni Manay Ethel Ramos na “Magkaibigan, Magkaribal.” Anyway, nasa wishlist din niya ang makatrabaho si Angel Locsin either TV or sa pelikula.
( Photo credit to Rntertainment Inquirer )
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.