Martinez tatanggap ng P440,000 bonus kay MVP | Bandera

Martinez tatanggap ng P440,000 bonus kay MVP

Mike Lee - February 16, 2014 - 04:17 PM


GINAWA ni Michael Christian Martinez ang lahat ng makakaya pero sa huli ay nakontento na lamang siya sa ika-19th puwesto sa pagtatapos ng men’s singles figure skating sa 2014 Winter Olympics sa Sochi, Russia noong Biyernes ng gabi.

Subalit hindi naman nasayang ang magandang ipinamalas ni Martinez dahil ginantimpalaan siya ni businessman/sports patron Manny V. Pangilinan ng $10,000 (P440,000).

“Just emailed Mrs. Martinez that MVPSF (Manny V. Pangilinan Sports Foundation) at request of @iamMVP (Manny V. Pangilinan) has authorized a bonus of US$10k in recognition of Michael’s historic performance,” sabi ni Chot Reyes sa kanyang Twitter account (@coachot) kahapon ng umaga.

Si Reyes ay nakakatuwang ni Pangilinan sa sports development. Nasiyahan uli ang mga nanood sa Iceberg Skating Palace habang binibigyan ng buhay ng 17-anyos na si Martinez ang tugtuging Malaguena sa free stake program.

Ang mahirap na triple axle at loops ay madali niyang ginawa tulad sa ipinakita sa short program noong Huwebes at maliban sa isang pagdulas, masasabing tunay na maganda ang ipinakita ng skater na kauna-unahang Pinoy at Southeast Asian na nasali sa kompetisyon.

Ang routine ay umani ng 119.44 puntos sa mga hurado at isinama sa 64.81 na nakuha sa short program, nakabuo si Martinez ng 184.25 puntos upang malagay sa 19th puwesto.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending