Bagets kinatay BF ni inay | Bandera

Bagets kinatay BF ni inay

- February 15, 2014 - 04:12 PM

NAGING madugo ang gabi bago ang Valentine’s Day makaraang patayin sa saksak ng 19-anyos ang boyfriend ng kanyang ina sa Pandacan, Maynila.
Pinaghahanap na ng pulisya ang suspek na si Sonny Boy  Dangani III, na pinatay umano ang 35-taong-gulang na si Ernesto Piga, ang live-in partner ng kanyang ina na si Rosalia, na tumakas makaraan ang pangyayari.

Ayon kay SPO3 Glenzor Vallejo ng homicide division ng Manila Police District, umuwi si Dangani sa kanilang tahanan sa 1944 Obeses st. alas-9 nang makita niyang sinisigawan ni Piga ang kanyang ina.

Base sa inisyal na imbestigasyon ay pinigilan ni Dangani si Piga sa pananakit kay Rosalia subalit tinulak siya ng biktima palabas ng bahay.
“When the suspect came back to their residence, he was already armed with a kitchen knife,” ani Vallejo.

Sinaksak ng tatlong beses ni Danangi ang biktima sa likod, ayon sa pulisya, subalit nakatakbo ang huli at nakahingi ng tulong sa kapitbahay.
Idineklarang dead on arrival sa Philippine General Hospital ang biktima.

Tumakas ang suspek makaraan ang pagpatay. Hanggang ngayon ay nawawala na rin ang ina ng suspek. Napag-alaman na nagsimula ang away ng mag-asawa dahil sa suspetsa ng lalaki na may bagong kinalolokohan ang babae.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending