Kc hindi na ba kinaya ang kabadingan daw ni Piolo? | Bandera

Kc hindi na ba kinaya ang kabadingan daw ni Piolo?

|November 29,2011
facebook
share this

Kc hindi na ba kinaya ang kabadingan daw ni Piolo?

- November 29, 2011 - 01:45 PM

Ang tanong ngayon ng  sambayanan

SA palengke, sa eskuwelahan, sa talipapa, sa pondahan, sa parlor, sa bangko, sa opisina, sa golf course, sa restaurant, sa bingguhan, sa kahit saan ay isa lang ang isyung pinagpipistahan ngayon.

Ang kabadingan ni Piolo Pascual!

Ang sikat na aktor na tinitilad ngayon na parang karneng pangbopis at pangmenudo ay nasa Japan, kasama niya du’n si KC Concepcion, pero siguradong may kani-kanyang mundo sila du’n.

Reaksiyon ng ating mga kababayan, wala talagang lihim na hindi lulutang sa takdang panahon, walang baho na maitatago habampanahon.

Lalo na ngayon, magkasunod na patagilid na kumpirmasyon ang naganap nu’ng Linggo nang hapon tungkol sa matagal nang kuwestiyonableng kasarian ni Piolo, una ay si Sharon Cuneta sa Paparazzi Showbiz Exposed at si KC naman sa The Buzz.

Hindi naging mabait kay Piolo ang Linggo nang hapong ‘yun, dahil wala mang direktang salita na binanggit ang mag-ina tungkol sa kanyang kuwestiyonableng seksuwalidad ay parang ganu’n na rin ‘yun, dahil bigay na bigay na ang kanilang mga insinwasyon.

Sabi nga ng mga nakakausap namin, ang dapat daw gawin ngayon ni Piolo kung hindi pa siya handang harapin ang sitwasyon ay mamahinga na lang muna siya sa ibang bansa, bumalik na lang uli si Piolo kapag kalmado na ang dagat.

Matindi ang kuwentong sumentro kay Piolo, wala na siyang masusulingan pa ngayon, sa kahit anong anggulo man daanin ang argumento ay isa lang ang kauuwian ng lahat—ang kanyang kasarian ang naging dahilan ng paghihiwalay nila ni KC.

Nakakalungkot ito. Kahit siguro sa kanyang panaginip lang ay hindi naisip ni Piolo na sa ganitong paraan pala magwawakas ang pagmamahalan nila ni KC, ang patagilid na pagsasabi ng batang aktres na hindi ito ang hanap niya at makapagpapaligaya sa kanya, kundi iba.

Hindi ito tulad nang dati na puro kuwento-kuwento lang at basta haka-haka. Hindi mo na kailangan pang maging Cum Laude para lang mabasa mo ang katotohanan sa pagitan ng mga salita ni KC. Ibang-iba talaga ito.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending