Vhong nangako sa GF, hinding-hindi na magtataksil | Bandera

Vhong nangako sa GF, hinding-hindi na magtataksil

Ervin Santiago - February 11, 2014 - 03:00 AM


Nangako si Vhong Navarro na hinding-hindi na mauulit ang ginawa niyang “pagtataksil” sa girlfriend niyang si Tanya Bautista na sa kabila nga ng mga kasalanan niya ay nagawa pa rin siyang patawarin.

Sa interview ng Buzz Ng Bayan kay Vhong, sinabi nitong kung meron siyang pinagsisisihan sa mga nangyari sa kanya, ‘yun ay ang masaktan ang kanyang karelasyon na hindi siya iniwan kahit na na napakalaki ng kanyang nagawang kasalanan.

“Sabi ko nga ito pinaka-down ng buhay ko na. Pinagdaanan pero until now nandiyan pa rin siya. Talagang dapat siguro hindi na maulit. At hinding hindi na mauulit na may gawin pa akong ganu’n uli.

Kaya dapat maging faithful talaga,” anang komedyante. Pagpapatuloy ni Vhong, “Sabi ko ‘wag na muna niya akong iwan sa mga panahon na ito dahil alam ko na masakit para sa kanya.

Ang sinasabi niya kasi, ‘Sa ngayon ang iintindihin ko muna ay ikaw, ‘wag muna ako.'”  Tinanong naman ni Boy Abunda ang host ng Showtime kung maiintindihan ba niya kung sakaling iniwan siya ni Tanya sa gitna ng laban? “Opo.

Sobrang maiintindihan ko. Isa po ‘yun sa mga pinagdadasal ko, na sana sa lahat ng nangyayari ngayon sakin eh ‘wag akong iwan. Siyempre alam ko napaka-selfish parin na ‘wag akong iwan ni Tanya.”

In fairness, sa kabila nga ng kinasasangkutang iskandalo ni Vhong, diretso nitong nasabi na happy ang pagsasama nila ngayon ng girlfriend. “Masaya kami ngayon. Iba ngayon ang saya namin.

Parang mas lumalim. Mas ngayon naiisip niya na mahal parin niya ako kahit sa nagawa kong ito sa kanya,” aniya. Pero inamin naman ni Vhong na nu’ng tanungin daw niya si Tanya kung mahal pa siya nito, “Hindi pa niya masabi at naiintindihan ko naman po ‘yun.”

“Gusto ko lang sabihin sa kanya na paulit-ulit i’m really, really sorry. I’m really, really sorry and maraming maraming salamat sa pagbibigay uli ng pangalawang pagkakataon sa sobrang pagmamahal at pag-aalaga niya sa akin.

Salamat at mahal na mahal ko siya,” pagtatapos ni Vhong na unti-unti na ngang nakaka-recover mula sa mala-bangungot na pangyayari sa kanyang buhay.

( Photo credit to Google )

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending