Kasalang Aiza-Liza Dino binatikos, isang malaking kasalanan daw
NIRERESPETO nina Aiza Seguerra at Liza Diño ang mga hindi kagandahang komento ng ilang mga kababayan natin hinggil sa plano nilang pagpapakasal.
Nang bumandera ang balitang nag-propose na ang singer-actress sa kanyang girlfriend na si Liza ay sari-saring reaksiyon na ang natanggap nila, kabilang na nga ang mga negative comments ng mga netizens.
Kung merong natutuwa para sa kanilang relasyon at sa plano nilang pagpapakasal, meron ding bumabatikos sa kanila, at nagsasabing maling-mali ang kanilang desisyon at isang malaking kasalanan daw ang gagawin nila.
Pero dedma lang dito sina Aiza at Liza, alam nila na hindi lahat ay sasang-ayon sa kanila, pero anila, mas tumatatag pa raw ang kanilang relasyon kapag may mga pumupuna sa kanilang pagsasama.
Sabi nga ni Aiza kay Liza nang mainterbyu siya ng Buzz Ng Bayan nu’ng Linggo, “It feels good. It’s so great that whenever I look at you, and whenever I hear you say we are each other as one, ang sarap sa pakiramdam na alam ko, ako at ikaw, walang iba.”
Ang ganting pahayag naman ng dating beauty queen kay Aiza, “This is the first time in my life that everything is in place. For me, I belong to her, we belong to each other.
“So, I’m happy. I’m happy that we’re finally going towards that direction that we can seal this relationship. I know that ito na ‘to,” sey pa ni Liza.
Kung matatandaan, nag-propose si Aiza sa kanyang girlfriend sa ginawa nilang stage play nitong weekend, ang “Kung Paano Maghiwalay” sa Teatro Hermogenes Ylagan ng UP Diliman.
Sabi ni Aiza, “Matagal ko naman nang iniisip, pero my plan started last November. Dapat sana gagawa muna kami ng musical na play. But we didn’t have time.
“I asked yung isang friend namin na playwright, si George de Jesus, if he can lend us his script, yun ngang ‘Kung Paano Maghiwalay’. Tapos, sabi ko, ‘I’m planning to have a proposal.’
“And then, he got excited, and sabi niya, ‘Sige, sige, babaguhin ko ang dulong part para maipasok natin ang proposal.’ So, yun na!” Sagot naman ni Liza, “Grabe, wala akong kaalam-alam! It was so well-planned. Everybody was in it.
Talagang she made it a point to make it like official.” Tinanong din si Aiza kung ang ang feeling habang ibinibigay ang engagement ring kay Liza? “Ang sabi ko sa kanya, ‘Dati na tayong nagkahiwalay.
Siguro, kung merong magandang nadulot yun sa atin, mas lalo nating na-appreciate ang isa’t isa. ‘Mas lalo nating nalaman na we can’t be without each other.’
“And after 13 years of not being together, and now you’re back,’ sabi ko, ‘I cannot let you go.'” hirit pa ng singer-actress.
Wala pang detalye ang kasalang magaganap, pero huwag daw mag-alala ang kanilang mga kaibigan at mga tagasuporta dahil hindi raw nila ito itatago sa publiko.
Sey pa ni Liza, “I’m a permanent resident na in L.A. (Los Angeles). So, we want din naman the privileges of normal sexual couples get.”
( Photo credit to Google )
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.