Nash ang bilis nagbinata; susunod sa yapak nina Piolo, Lloydie at Coco | Bandera

Nash ang bilis nagbinata; susunod sa yapak nina Piolo, Lloydie at Coco

Julie Bonifacio - February 11, 2014 - 03:00 AM


TUWING makakasalubong namin sa ABS-CBN nu’ng child star pa lang si Nash Aguas lagi niya kaming niyayakap nang mahigpit with matching pakarga pa sa amin.

Siya ang pinaka-sweet na child star na nakilala namin sa almost three decades na namin sa showbiz. Kaya happy kami na tuluy-tuloy pa rin ang pag-aartista niya at sikat na sikat rin, huh! Si Nash ang main reason kaya nagri-rate ang youth-oriented show ng ABS-CBN na LUV U every Sunday afternoon.

Sabi nga namin kay Nash, siya ang pinakasikat sa kanilang show at posibleng maihilera very soon sa mga pambatong leading man ng ABS at sumunod sa yapak nina Piolo Pascual, John Lloyd Cruz at Coco Martin.

“Hindi ko po masasabi ‘yun,” humble na sabi ni Nash sa grand presscon ng comedy shows sa Kapamilya network. Pero nararamdaman daw niya na marami ang nagmamahal sa kanya ngayon.

Natutuwa naman daw siya kasi mahal din niya rin ang kanyang fans. Bihira sa showbiz na ang isang dating chid star paglaki ay sikat na sikat pa rin tulad ni Nash.

Sa LUV U halos umiikot ang kwento sa karakter ni Nash bilang si Benjamin at sa ka-loveteam niyang si Alexa Ilacad bilang si Lexi.

Ang anak ng direktor na si Bobet Vidanes at ABS-CBN executive na si Cory Vidanes, na si Kobe Vidanes, ang best friend ni Nash sa kuwento.

Bukod sa LUV U, kasama rin sa Nash sa tinitilian ngayon ng mga high school girls na Gimme Five. Nalolokah nga kami kasi panay ang hingi sa amin ng poster ng Gimme Five ng mga kapitbahay naming mga bagets.

“Sabi ni Mr. M (Johnny Manahan) sa amin, ‘Gusto n’yo bang sumali sa isang grupo? Bumuo ng grupo, boyband?’ E, ‘di syempre tuwang-tuwa ako. So, ‘yun. Ni-launch po kami sa ASAP. Tapos nagtuluy-tuloy na po ‘yun,” lahad ni Nash.

Hindi raw nila in-expect na magiging ganoon ang pag-like sa kanila ng fans. Kasama ni Nash sa Gimme Five ang anak ng aktor na si Mark Anthony Fernandez, si Jay Fernandez.

Despite his showbiz career, nag-aaral pa si Nash. Third year high school na raw siya sa Angelicum College. Gusto raw sana niyang mag-doktor pero matagal daw ‘yun. So, ang second option niya ay maging direktor.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

( Photo credit to Google )

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending