Siya raw ang itinuturong tatay ng baby
INAMIN ni Joseph Bitangcol na minsan na rin siyang nakipag-one-night stand sa isang babaeng naglumandi sa kanya nang minsan siyang makalimot sa kanyang sarili.
Hindi man idinetalye ni Joseph ang tungkol dito nang makachika namin siya sa mini-presscon ng kanyang latest indie movie na “Crossroads”, mukhang pinagsisisihan na ng aktor ang kanyang mga ginawang kalokohan noon.
Napaamin si Joseph tungkol dito nang maikuwento niya na may dalawang babae na palang nag-claim na naanakan niya, “Kinausap nila ako, pero hindi naman sabay, basta dalawa silang lumapit sa akin tapos sinabi ngang ako raw ‘yung tatay ng batang dinadala nila.
“Siyempre ako naman, medyo nagulat, pero sabi ko kung ako talaga ‘yung tatay, paninindigan ko naman, pero alam ko sa sarili ko, napi-feel ko na hindi ako ‘yung tatay.
Ganu’n, tapos bigla na lang din silang nawala. Siguro alam din nila na hindi ako ‘yung tatay. Tsaka ang alam ko may protection ako nu’n, e! Ha-hahaha! Joke lang!” paliwanag ni Joseph.
Sa ngayon daw ay mas responsable na si Joseph, mas maingat na raw siya ngayon sa mga ginagawa niya, hindi raw tulad noong medyo bata-bata pa siya, na sige lang nang sige sa mga bagay-bagay.
And yes, tungkol sa maagang pagbubuntis, sa pakikipagrelasyon nang mga kabataan ang sentro ng kuwento ng indie film na “Crossroads” produced by Commission on Population with Integral Media, Inc., headed by Ed Galang.
Bukod nga Joseph, bida rin dito ang mga premyadong indie stars na sina Mercedes Cabral na unang sumikat bilang leading lady ni Coco Martin sa “Serbis”, Felix Roco, Aleera Montalla, Zoe Sandejas at Sue Prado.
Kasama rin dito ang ga baguhan sa indie world na sina Angeli Bayani, Ces Aldaba, Emlyn Santos, Chamyto Aguedan, Aldus Samonte, Alex Tigalo, Gigi Pirote and Kimmy Buquia, sa direksiyon ni Charliebebs Gohetia.
“Ang ‘Crossroads’ ay kuwento ng mga kabataan at ang kanilang mga hinaharap na problema, tulad ng sa kaibigan, sa pamilya, at sa pakikipagrelasyon, nandiyan din ang maagang pagbubuntis, drugs at sex at ang mga hindi magagandang epekto nito sa lipunan,” sabi ni direk Bebs.
Seryoso man ang tema ng movie, pero siniguro ng mga taong naas likod ng proyektong ito na mae-entertain at maliliwanagan ang mga kabataang manonood sa mga nangyayari sa kanila sa araw-araw.
Wala pang eksaktong petsa kung kailan ipalalabas ang “Crossroads” sa mga sinehan pero malapit na itong mapanood ng mga highschool at college students sa iba’t-ibang panig ng Pilipinas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.