Hill binuhat ang Pacers laban sa Blazers | Bandera

Hill binuhat ang Pacers laban sa Blazers

Melvin Sarangay - , February 09, 2014 - 03:00 AM


INDIANAPOLIS — Nagtala si George Hill ng career-high 37 puntos, siyam na rebounds at walong assists para pangunahan ang Indiana Pacers sa 118-113 panalo sa overtime kontra Portland Trail Blazers.

Si Hill ang nakapuwersa ng overtime magtapos tumira ng 3-pointer na nagtabla sa laro sa iskor na 103-all may 8 segundo ang nalalabi sa regulation.

Gumawa naman si David West ng season-high 30 puntos at 10 rebounds habang si Paul George ay may 17 puntos para sa Pacers, na nagwagi sa lima sa kanilang anim na laro.

Si Damian Lillard ay kumamada ng 38 puntos at 11 assists habang si LaMarcus Aldridge ay nagtala ng 22 puntos para pamunuan ang Trail Blazers.

Lakers 112, 76ers 98
Sa Philadelphia, ipinagdiwang ni Steve Nash ang kanyang ika-40 na kaarawan sa pamamagitan ng impresibong paglalaro at pagtala ng season-high 19 puntos para ihatid ang Los Angeles Lakers sa pagwawagi laban sa Philadelphia 76ers.

Nag-ambag sina Wesley Johnson at Chris Kaman ng tig-17 puntos para sa Lakers na may anim na manlalaro na nagtapos na may double-digit points.

Si Nash, ang pinakamatandang manlalaro sa NBA, ay naglaro na tulad ng isang two-time NBA MVP isang dekada na ang nakalipas. Siya ay nagtala rin ng limang assists, apat na rebounds at tumira ng 8 for 15 sa kanyang ikawalong laro ngayong season.

Si Tony Wroten ay umiskor ng 16 puntos habang sina Evan Turner at Spencer Hawes ay nagdagdag ng tig-15 puntos para sa Philadelphia, na natalo ng limang sunod na laro.

Magic 103, Thunder 102
Sa Orlando, nakaiskor si Tobias Harris ng slamdunk mula sa fast-break pass ni Maurice Harkless bago tumunog ang buzzer para ibigay sa Orlando Magic ang nakakagulat na panalo laban sa Oklahoma City Thunder.

( Photo credit to INS )

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending