Toni: May malisya ako kay Piolo, pero nahihiya ako!
Sa trailer pa lang ng pelikula nina Piolo Pascual at Toni Gonzaga, ang “Starting Over Again” ay mae-excite ka nang panoorin nang buo. First time kasing magsasama sa isang proyekto ang dalawa kaya may surprise factor pa ito sa mga manonood.
Promise talaga namin, watch kami nito dahil gusto naming makita kung talagang may chemistry ang dalawa at in fairness, na-miss talaga namin si PJ na mapanood sa isang romantic-comedy movie.
Anyway, dati pa naman sinasabi ni Toni na sobra ang paghanga niya kay Papa P. Talagang tumatak sa mga tao ang softdrink commercial nila noon kung saan sumikat ang dialogue niyang, “I love you, Piolooooooo!”
“Noong time na ‘yon, noong nagsisimula pa lamang ako, inilagay ko na si Piolo sa pedestal,” chika ng TV host-actress.
At mula raw noong lumipat siya sa ABS-CBN, doon niya mas napatunayan na kahanga-hanga talaga si Piolo, hindi lang bilang artista kundi bilang tao. Inamin naman ng dalawa na naging close talaga sila mula nang magkakilala.
Sabi ni Piolo, “Nu’ng nag-transfer po si Tin dito sa atin, lumabas kami. I remember nanood kami ng concert ni Kuya Gary (Valenciano) sa Araneta.” Pero hindi na ito nasundan pa, “Right there and then, I realized, and I thought to myself, na it’s too unfair para harangin mo or pigilan mo yung pangarap niya to become a certified actress. Gusto niya makilala muna siya bilang Toni Gonzaga, kasi kaka-transfer lang niya dito sa ABS, so nagparaya tayo,” patuloy pa ni Piolo.
E, si Toni, na-in love ba siya noon kay Piolo? “Ewan ko ba diyan sa kanya. Hindi ko alam kasi nahihiya ako kay PJ noon, e. Hindi ko alam. May malisya, pero sa sobrang hiya ko, parang, ‘Ano ba naman ‘to, Piolo Pascual, baka naman sabihin nila…’”
“Hindi ko pa naiisip noong time na ‘yon. Hindi ko naman sinasabing na-in love,” sey pa ni Toni.
Mas mabuti na rin daw ‘yung naging friends na lang sila, dahil napanatili nila ang kanilang magandang samahan, “Pasalamat ko nga na sa iba siya na-link. Niloloko nga ako dati sa The Buzz nina Ate Kris (Aquino), Tito Boy (Abunda). Sabi ni Ate Kris,
‘Ayan, kaartehan mo, na-link na sa iba. Hindi na ikaw.’
“Actually, nasabi kong okay, kasi imagine mo, kung nagkaroon ng something, ‘tapos hindi naman nag-develop or hindi naman na-pursue, magkakaroon ng ilangan. Kaysa ngayon, ewan ko, sobrang comfortable ako kay PJ,” hirit pa ng dalaga.
Showing na ang “Starting Over Again” under Star Cinema sa Feb. 12 nationwide. Kasama rin dito sina Iza Calzado, Joross Gamboa, Bryan Santos, Beauty Gonzales, Cai Cortez at Edgar Allan Guzman sa direksiyon ni Olive Lamasan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.