KAHAPON ng umaga kami dumating ni kafatid na Lito “Yanggaw” Alejandria from the US via Philippine Airlines Flight PR103 galing Los Angeles, California.
Na-delay ang flight namin – instead na 9:05 p.m. last Nov. 20 ang alis, past 11 na kami nakalipad. Late kasing dumating ang plane pero okay na rin.
Nakakapagod lang ang biyahe namin pauwi dahil nag-refuel pa ang eroplano sa Guam. Inip na inip ako sa biyahe, kahit naka-business class ako, dala ng takot ko sa plane, di rin ako makatulog.
Nakailang tungga ako ng red wine pero waley din. Nangibabaw pa rin ang pagkanerbiyosa ko. Ha-hahaha! At ang nakakaloka, ang daming turbulence! Bawat malakas na galaw ng eroplano, hilung-hilo ako. Kaloka! Di lang ako nagpapahalata sa katabi kong flight attendant pero hanggang langit ang takot ko.
Pero nahalata yata ako ng nasabing stewardess kaya hinawakan niya ang kamay ko sabay sabi ng, “Relax.” Ha-hahaha! Bukelya ang bakla!
Grabe rin ang mga naging lakad ko sa States.
Actually, kaya ako biglaang napasugod sa States dahil nagpadala ng plane ticket ang mag-asawang Krista Ranillo and Nino Lim sa akin para maging special guest nila sa grand opening ng bagong branch ng kanilang Island Pacific Supermarket sa National City sa San Diego.
Umalis kami ng Nov. 3 for LA and pagdating namin doon, sinundo kami nina Carlo and Nanette Nazareno, my good friends from Chino Hills.
Kasabay nilang sumundo sa amin ang kapatid ni Lito na si Iree and husband Mark. Nag-late burger trip kami sa In And Out, paborito ni Lito Yanggaw. Doon kami natulog kina Carlo and Nanette.
The next day, nag-lunch kami nina Krista and Nino sa Tokyo Shabu-Shabu sa West Covina. Kasama nila ang baby boy nilang si Nate. Marami kasing chika ang lumalabas na baka anak daw ni Manny Pacquiao ang baby pero imposible dahil kamukhang-kamukha nina Nino and Krista ang bata. In short, vindicated ang mag-asawa. Anak talaga ni Nino ang bata.
Nov. 5 ay nag-ikot kami nina Lito and Nanette sa The Shoppes sa Chino Hills. Kinagabihan ay sinamahan namin si kafatid na Joel Cruz sa Gawad Amerika sa West Hollywood dahil recipient siya ng Best Entrepreneur Award for Perfumery organized by some Filipino groups doon.
Nandoon din sina Venus Raj, ang mahal nating dating kongresistang si Ace Barbers, Bayani Agbayani, TV5’s boss Bobby Barr at marami pang iba. Nov. 6 ay naimbitahan naman ako nina Theresa Fernandez and Cherry Ordonez ng Cherry’s Salon na mag-host ng premiere ng “A Mother’s Story” starring Pokwang sa Alex Theater sa Glendale, Ca.
Katuwang ko sa pagho-host sa super punong Alex Theater si direk John D-Lazatin dahil na-late nga si Pokwang ng dating from Montreal, Canada dahil na-delay ang flight niya. In fairness, umabot naman si Pokwang and gosh, dami niyang fans sa Glendale. Galing!
Nov. 7 ay birthday ni Lito Yanggaw kaya nag-dinner kami sa isang steakhouse sa Chino Hills with the Nazareno family bago siya tumuloy sa LA para makapiling ang sister niya dahil the next day ay lilipad siya ng New York to spend a few days there.
Hindi na ako sumama sa New York dahil marami pa akong lakad. Usapan na lang naming magkita sa Las Vegas ng Nov. 11 para makiusyoso sa Pacquiao fight.
Kaya nagkaroon ako ng chance na maipasyal ni kafatid na Monet Lu, isang sikat na may-ari ng mga salons sa California, sa mga gaybars sa West Hollywood. May nakilala akong new Yorker na super guwapo sa Abbey’s Bar na ikinaloka ko ang Facebook account dahil nandoon si Piolo Jose Pascual na friend din pala niya sa FB. Ha-hahahaha! Hindi ko alam kung sino ang nag-add kanino basta friends sila. At talagang sinamantala ko ang pagsabit ng dollar-dollar sa mga nagguguwapuhang male strippers sa Mickey’s Bar sa Santa Monica Blvd. Ha-hahaha!
Nov. 10 ay sinundo naman ako ng mga cousins ko para matulog sa San Diego and the next day ay hinatid nila ako sa Las Vegas. What made our Las Vegas trip exciting ay dahil nagkita kami roon ng matagal naming anak-anakang si Randy Wong, ang Face of the Year winner nu’ng 1996. Kasama niya ang kanyang magandang asawang si Joanne.
Sa kagustuhan naming manalo ng malaking salapi sa Las Vegas, hindi namin nilubayan ang mga slot machines na lumamon lang sa pera namin. Ha-hahaha! Sa MGM Hotel kung saan ginanap ang Pacquiao-Marquez fight, nakita namin si Papa Lito Atienza and his beautiful wife and guwapong anak na si Ali.
Nandoon din sa kabilang resto sina Boyet de Leon with Sandy Andolong, Tirso Cruz III and gorgeous wife Lyn Ynchausti, Jackie Castillejo, among others.
Dumaan pa sa harap namin si Mike Tyson and other guests. Nagkita rin kami nina Ruffa Gutierrez kasama sina Tita Anabelle and Tito Eddie sa Studio Cafe Resto sa MGM after ng match. After ng laban, grabe ang reaksiyon ng mga Mexicans sa pagkatalo ni Marquez. Even many Pinoys there believed na dapat daw manalo si Marquez!
Nov. 12 ay sinilip namin ang mass for Pacquiao sa Mandalay Bay Hotel. Hindi na namin inabot ang misa pero nagkasalubong kami ni Manong Chavit Singson sa hallway. Meron kaming nakausap na member ng Team Pacquiao na bumulong sa aming hindi pala magkasama sa hotel sina Manny and asawang si Jinkee.
Magkaiba sila ng hotel kaya lalong lumakas ang bulung-bulungang sobrang laki ng problema ng mag-asawa. Kaya raw affected ang laban ni Manny dahil sa sobrang sama ng loob sa asawang si Jinkee.
Hay naku, bukas na lang natin ituloy ang kuwentong States namin, basta ang mahalaga ngayon – back to work na tayo. Good luck!
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.