Toni binalaan nina Bea at Angel, halos mamatay sa takot | Bandera

Toni binalaan nina Bea at Angel, halos mamatay sa takot

Alex Brosas - February 04, 2014 - 03:00 AM


Sobra pala ang nerbyos ni Toni Gonzaga when she learned na si direk Olive Lamasan ang kanyang director sa first movie niya with Piolo Pascual, ang “Starting Over Again”.

“Ngayon lang ako nagsalita ng ganito na parang sarili ko kasi kinimkim ko talaga ang sarili ko for six months  sabi ko ‘di ako magdadaldal sa set, alam ko ang character ko.

Kasi si Inang (Olive) parang di teacher ang katrabaho mo parang dean kaagad ang kaharap mo,” she said during the presscon of the movie.

It didn’t help na pati sina Bea Alonzo and Angel Locsin chided her. “Sabi nila, ‘Lagot ka. Si Inang ang katrabaho mo, alamin mo kung saan nanggaling ang character mo, san nanggaling ang emoyson mo, ano ‘yung eksena.’ ‘Hindi nga?’ ‘Oo, ganyan.’ Hindi ako makatulog.”

She explained na “Hindi ko naman alam kung ano ba talaga ‘yung kakayahan ko bilang aktres kasi ang nagagawa ko ay romantic comedy so hindi ko alam kung paano ako makakaarte sa harap ni Inang na alam kong napakahusay, mga awarded ‘yung films na nagagawa, mga best actress ang nakakatrabaho niya ngayon.

Sobrang hiyang-hiya ako talaga. Hindi ko alam kung paano ko natapos ang pelikulang ito, dinaan ko lang yata sa dasal.”
Direk Olive came to the rescue and shared na, “‘Yung character niya kasi dito is (driven)…driven ka in real life pero selfish, self-centered and ambitious…but you can be ambitious as Toni but ‘yung maghabol, ‘yung desperadang naghahabol sa isang lalaki that’s so un-her.

So when we were shooting she was asking, ‘Inang, me babae ba talagang ganyan? Bakit ginagawa ko ito? We have a lot of discussions between us para mapaniwala ko siya at ma-convince ko siya sa gagawin niya sa dark or negative character.”

( Photo crdit to Google )

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending