Jodi: Ayoko pang magpakasal kay Jolo!
GRABE! Talagang nagsusumigaw ang kagandahan at kaseksihan ngayon ni Jodi Sta. Maria, ha! Ibig sabihin lang niyan, talagang super happy ang aktres sa kanyang buhay.
Of course, si Jodi na yata ang isa sa pinakamaswerteng artista nga-yong mga panahong ito, bukod sa kanyang napakagandang showbiz career ay makulay din ang kanyang lovelife.
Meaning, hindi totoo kay Jodi ang “sumpa” sa showbiz na kapag happy ang lovelife ay malas sa career o ang kabaligtaran nito.
Sa presscon na ibinigay ng Flawless Face & Body Center sa girlfriend ni Cavite Vice-Gov. Jolo Revilla kamakailan, napa-wow talaga ang lahat nang gumitna siya stage! Kaya naman maswerte ang Flawless kay Jodi, dahil tiyak na dadagsain na naman ang kanilang mga clinic nationwide para makuha ang fresh at virginal look ng aktres.
Sey nga ni Jodi during the presscon, “I’m so happy to be the newest member of the Flawless family. Of course, I’ve been hearing about Flawless for years now and nakikita ko rin yung mga clinics nila sa malls and mga ads nila, pero it was only late last year when I actually started going to their clinic.”
“Siyempre sa trabaho natin, madalas puyatan talaga tapos madalas pa nakatapat ka sa maraming ilaw or naaarawan ka. Eh di lang naman yun lang ginagawa ko.
Aside from my work, I take care of my son Thirdy rin tapos I’m studying pa and running my own business. So really my schedule can sometimes get the best of me talaga. In other words, malakas maka-haggard.
“Ang una kong tinray ay yung Cellulite Treatment sa tiyan, and after that, I got rid of the fat and lost at least 1 inch in just a treatment,” chika ni Jodi. Sumunod niyang ipinagawa ay ang Cell Booster Infusion Mask.
Samantala, kamakailan nga ay napabalitang buntis si Jodi courtesy of her boyfriend Jolo, pero agad din itong dinenay ng aktres. Natanong si Jodi kung ano ang feeling na mabalitang nagdadalang-tao kahit wala pa nga siyang asawa.
“Well, hindi ko sasabihin na…hindi naman din ako masyadong nagulat when it came out. Di ba, hinayaan ko na lang? Maybe it’s because kasi, yung mga tao, parang naa-associate nila yung nangyayari sa real life ko doon sa character ni Maya (sa Be Careful With My Heart series kasama si Richard Yap a.k.a. Sir Chief).
“Kasi, di ba, one time, when I got sick, parang in-incorporate sa story yung character ko nagkasakit din? I think, na-confuse lang ang iba. Hinayaan ko na lang, kasi hindi naman totoo,” paliwanag pa ng aktres.
Natuwa nga siya nang magsalita rin si Jolo tungkol dito, “Well, at least, nakakatuwa naman yung gesture na ginawa niya para, once and for all, malagyan ng tuldok yung isyu nga tungkol sa pregnancy.”
Isa pang ibinalita ni Jodi ay ang magandang relasyon ni Jolo sa anak niyang si Thirdy, “Tito ang tawag niya, kasi siyempre, umpisa pa lang, kailangan mo nang i-draw ang line kung sino ang mga tao na papasok sa buhay ng anak mo, di ba?
“And I don’t want to confuse him kung sino ang daddy niya at sino pa ang other person sa buhay niya. Kumbaga, klaro yun sa kanya kung sino si Jolo sa kanya,” aniya pa.
Sa tingin ba niya, parang ama na rin ni Thirdy si Jolo ngayong may sarili na ring pamilya si Pampi Lacson (nagsasama na sila ni Iwa Moto)? “Actually, hindi ko puwedeng sabihin na si Jolo ay tumatayong ama dahil physically present si Pampi.
And I don’t want to cause any disrespect on his side,” ani Jodi.Napakatipid pa rin nila ni Jolo sa pagbibigay ng detalye sa kanilang relasyon, bakit parang iwas na iwas silang pag-usapan ito? “Alam niyo kasi, siguro sa mangilan-ngilang pagkakataon kapag nagkakasama tayo, alam niyo naman na pagdating sa mga personal na bagay sa buhay ko, I just want to keep something para sa sarili ko.
Na alam ko naman na naiintindihan ninyo.” Hirit pa ng mommy ni Thirdy, “Basta ang masasabi ko lang, hindi kami nagmamadali. Ine-enjoy lang namin kung ano ang meron kami.”
Pero handa na ba siyang magpakasal uli? “Ay, hindi, kasal na agad? Sobra naman yun! Basta kami, open kami ni Jolo kung ano ang goals namin sa buhay. So, yung mga kasal-kasal na ‘yan, wala pa.
( Photo credit to Google )
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.