PNoy’s RAT vs Binay’s HORSE, ayon kay Hanz Cua
TUWING Chinese New Year, hindi na maiiiwasan na maglabas ng mga forecast ang mga kilalang feng shui expert. Tinutukoy nila kung sinu-sino ang maaaring swertehin o di naman masyadong papalarin.
Ayon kay Master Hanz Cua, kilalang Feng Shui expert, ang Wood Horse ang magpapalakas sa fire element ngayong 2014.
“Wood enhances fire kung kailan nasusunog ang wood lalong lumalakas ang fire,” ani Master Hanz.
Dahil diyan, ang apoy ang siyang magpapa-alab sa galit at pag-ibig ngayong taon.
PNoy vs Binay
Maaari umanong maging mainit ang pulitika sa Pilipinas ngayong taon.
Ayon kay Master Hanz, ito ay dahil sa magkakontra ang zodiac sign ni Pangulong Aquino at Vice President Jejomar Binay.
Si Pangulong Aquino na ipinanganak noong Pebrero 8, 1960, ay nasa ilalim ng Year of the Rat.
Samantalang si Binay naman ay ipinanganak noong Nobyembre 11, 1942 ay nasa ilalim ng Year of the Horse.
Ang Horse at ang Rat ay direktang magkalaban o magka-kontra fellow.
“Ang ating presidente na si PNoy is the Year of the Rat so medyo maraming anger, maraming issues,” ani Master Hanz.
“So talagang may problem talaga ang Pilipinas ngayon, kasi the two heads of the state, Horse is also directly in conflict with the year also, so expect natin ang 2014 medyo problematic year pagdating sa pulitika.”
Aniya, maraming issues at maraming problema na maaaring kaharapin si Aquino ngayong taon.
Magiging magulo ang politika lalo na sa buwan ng Mayo.
Love ni PNoy
Pero, dagdag pa ni Master Hanz, marami rin siyang love romance na nakikita kay Presidente ngayong 2014.
“Yung love romance nya usually subdue ung mga init ng ulo nya, with the girls naman,” ani Master Hanz. “Marami naman siyang mga romance luck at marami naman siyang mga wealth luck.”
May romance man, wala umano siyang nakikitang pagpapakasal ngayong taon sa pangulo.
May lumabas kasong bachelor card sa chart ni Aquino, ayon kay Hanz.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.