Vhong mahilig manghanting ng babae sa bar para maikama | Bandera

Vhong mahilig manghanting ng babae sa bar para maikama

Jobert Sucaldito |January 31,2014
facebook
share this

Vhong mahilig manghanting ng babae sa bar para maikama

Jobert Sucaldito - January 31, 2014 - 03:00 AM

 

VHONG NAVARRO

BUONG linggo nang pinag-uusapan ang isyu on Vhong Navarro’s being mauled by businessman Cedric Lee and other men – ang dahilan? P**kp**k!

Yes, tulad ng kasabihang “in every man’s success is a woman” and puwede rin nating sabihing ang waterloo ng mga kalalakihan ay women din, di ba? Kumbaga sa alak, drink “responsibly” – hindi na nga “moderately”.

Anything na sobra at hindi inilalagay sa tamang perspektibo ay nakakasama talaga. In any way – kailangang responsable tayo sa mga ginagawa natin sa araw-araw nating pamumuhay. If you choose to be at risk, so be it. Pero wala kang puwedeng sisihing ibang tao kungdi sarili mo lang din.

I love Vhong – he is a friend. Maybe not the best buddy pero he is really funny. Marespeto naman ito sa amin pero sa iba, hindi ko alam. I have spoken to a few men at hand – hindi niya kakilala at hindi rin kakilala ng kampo ni Cedric and they say na ibang klase rin daw mag-handle ng kababaihan si Vhong. Makati rin daw talaga.

“Minsan nakasabay ko siya sa bar, may isang babae na natipuhan ito at inalok ng drinks. Sa kakuriputan yata niya, gusto niyang sulitin ang isang shot na ibinigay niya sa babae. Bastos ang bibig ni Vhong, he uses ungentleman terms sa babae na puwede namang gamitan ng simpleng imbitasyon.

“Hindi yung garapalan niyang sasabihan na gusto niyang ikama. Kaya hindi ako bilib sa taong iyan though halata namang sa isyu nilang ito nina Cedric at Deniece (Cornejo), siya ang panalo rito. Obvious na na-set-up siya. Siguro nainsulto si Cedric dahil syota niya yung girl kaya idinaan niya sa dahas.

“Pasalamat pa rin si Vhong at buhay siya, iyon lang ang inabot niya. Marami na akong naririnig na hindi magandang istorya kay Vhong involving girls. Mankayis din daw iyan,” anang isang kaibigan kong nakainuman ko nu’ng isang araw sa Metrowalk.
Ha-hahaha! Natawa ako sa term na ginamit niya, manyakis talaga?

“Oo. Grabe ‘yan sa babae. May ibang babae na bumibigay, pero may pumapalag din. Ibang klase iyang si Vhong, sobrang kuripot niyan kuwento ng mga girls. Kaya hayan, ayoko mang sabihin pero parang karma na rin niya iyan sa sobrang kayabangan din niya sa babae. Tsaka may girlfriend na pala siya kaya dapat faithful siya. Paano iyan ngayon? Patay siya sa syota niya!” dagdag pa ng kausap namin.

Sang-ayon din ang kausap naming mali ang ginawa ng kampo ni Cedric, ang ilagay ang batas sa kamay nila. Kung nagselos nga siya kay Vhong, hindi na sana umabot sa ganito. Kawawa nga raw si Vhong at nalungkot din silang mga kalalakihan sa nangyari. They also agree na malamang na sa kulungan ang bagsak ng mga gumulpi sa kanya.

“Pero huwag ding pakasisiguro sa grupo nina Cedric. He’s well-connected. Matataas na opisyal ang mga kadikit niyan. Kahit sa NBI, sa pagkakaalam ko, may mga barkada siya diyan. Sa pulisya, malakas din ang kapit niyan. Maaaring tahimik lang ang mga iyan ngayon dahil obviously kumampi ang taumbayan kay Vhong kaya ayaw nilang madawit sa kaso pero sa likod niyan, may nagaganap nang kabangan diyan.

“Puwedeng makulong iyan pero after a few months ay makakawala rin na parang wala lang. Kaya delikado talaga si Vhong pag niresbakan siya. Lalo pa’t sinasabing non-bailable ang offenses nina Cedric, patay si Vhong diyan one day. Siguradong gaganti at gaganti talaga ang mga iyan,” anang isang kausap namin kahapon.

Mahirap talagang makalaban ang isang maimpluwensiyang tao. Maaaring masaya na ang ilang mga kumakampi kay Vhong pero for sure ay abot-langit pa rin ang kaba ni Papa Vhong dahil ibang klase nga ang kalaban niya. Hay, nang dahil lang sa pek*** muntik na siyang mamatay.

“Sana matuto na rito si Vhong. Kung may pera naman siya at inabutan siya ng kati, magbayad na lang siya ng babae. Hindi yung manghahanting siya nang libre. Natural, kapag maganda ang babae, may presyo talaga sila. Kung gusto mo nang maganda, mag-invest ka. Hindi porke sikat ka ay gusto mo libre palagi. Ayan, nahingan siya tuloy ng P1 million. Ha-hahaha!

“Ang dami namang pera pero ayaw gumastos. Tsaka grabe ang bibig niyan sa babae, may pagkabastos siya. Nakahanap lang siya ng katapat, kay Deniece,” gigil na kuwento pa ng kausap namin.

Hindi ako maka-comment dahil hindi pa naman ako niyaya ni Vhong sa kama. Ha-hahaha! Joke, joke, joke! Honestly, hindi pa ako masyadong naniniwala sa isyung ito dahil wala pa akong hawak na proof, so let’s still give Vhong the chance to explain, OK!

Paano kaya iyon? Nu’ng una, sabi ni Deniece Cornejo, hindi na siya magsasampa ng kaso kay Vhong. Then, they announced na attempted rape daw ang naganap. Ngayon, dahil sa sobrang iskandalo ay inakyat nila sa RAPE  ang case gayong alam naman ng publiko from the very start na wala namang rape na naganap.

Kasi nga, mahirap patunayan ang kasong rape kung wala namang lacerations, walang intimidations, walang puwersahang naganap at walang medical certificate na na-penetrate ang kaniyang kaselanan. Pag nag-prosper ang kasong ito, ang pinakamataas na puwedeng ikaso kay Vhong ay acts of lasciviousness.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

We are praying too that Vhong learns his lessons from now on – to be kind to all the girls and treat them as human beings.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending