3 bagong Batang Pinoy records naitala | Bandera

3 bagong Batang Pinoy records naitala

Mike Lee - January 31, 2014 - 12:00 PM

TINAPOS nina Karen Janario ng Leyte Sports Academy (LSA) at Alexis Soqueno ng Negros Occidental ang makulay na paglalaro sa 2013 Batang Pinoy National Finals sa pamamagitan ng pagtala ng pinagsamang tatlong bagong records tungo sa tig-limang gintong medalya sa athletics na natapos kahapon sa Panaad Sports Complex sa Bacolod City, Negros Occidental.

Iniwan ni Janario ang mga katunggali sa unang kurbada tungo sa solong pagtawid sa meta at maisumite ang 25.7 segundo sa 200m dash. Ang marka ay tumabon sa 26.24 segundo record na ginawa ng dating kasamahan sa LSA na si Leah Joan Creer sa Iloilo City.

Tumakbo pa ang 14-anyos, 5-foot-6 runner sa 4x400m relay at ang kanilang winning time na 4:07.8 ang bumura sa 4:16.85 na ginawa ng LSA sa pamumuno rin ni Creer.

“Masaya pero may konting hirap din,” wika ni Janario na nagdomina rin sa 100m dash, 100m hurdles at 4x100m relay. “Wala na po itong atrasan at itutuloy ko na ito.”

Nakasama si Janario sa mga LSA athletes na nagsanay sa Rizal Memorial Sports Complex matapos bayuhin ang Tacloban City ng super typhoon Yolanda noong Nobyembre at nakita ang iniunlad ng kanyang husay sa kompetisyong inorganisa ng Philippine Sports Commission (PSC) katuwang ang Bacolod City at Negros Occidental.

Hindi naman nagpahuli si Soqueno na matapos wasakin ang record sa high jump ay binago rin ang marka sa 400m hurdles at 4x400m relay.

Naorasan ang 15-anyos na si Soqueno ng 56.8 segundo sa 400m hurdles para ibaon ang 57.31 segundo oras ni Raffy Cayao Gonzales ng Palawan.

Anchor din siya sa 4x400m relay team na may 3:34.6 tiyempo at tinabunan nito ang 3:39.83 ng Manila.

“Espesyal ito dahil nagawa kong manalo ng limang ginto sa harap ng mga kababayan at pamilya ko,” pahayag ni Soqueno na lalaro rin sa Palarong Pambansa.

Ang kakampi ni Soqueno na si Mark Balajeboco ay nanalo rin ng limang ginto matapos walisin ang 100m, 200m at 400m run events at kabilang din siya sa 4x100m at 4x400m relay teams.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending