Heart sariling gastos ang bakasyon sa ibang bansa, hindi inilibre ni Chiz | Bandera

Heart sariling gastos ang bakasyon sa ibang bansa, hindi inilibre ni Chiz

Ambet Nabus - January 30, 2014 - 03:00 AM


Noong minsan naming makausap sa set ng seryeng Magkano Ba Ang Pag-ibig ng GMA 7 si Heart Evanglista, humanga kami sa sobrang pagiging cool niyang kausap.

Kung dati-rati ay parang gwardyado ang bibig nito sa mga personal na usapin, aba’y iang-iba na siya ngayon, “Mas tanggap ko na kasi ang sarili ko.

Sa tindi ng mga pinagdaanan ko, minsan nga numb o manhid na ako sa mga intriga,” sey pa ng mas sumeksing aktres.
Magtatapos na ang soap niya sa GMA ngayong Feb. 14, mismong birthday niya, pero confident ang aktres-TV host na magugustuhan ng mga supporters ng show ang pagtatapos nito, “Sobrang naka-relate ako sa role ko at parang ang sarap palang maging daughter-in-law,” detalye ni Heart bilang isa nga sa focus ng soap ay ang relasyon ng karakter niya sa mga in-laws.

Hindi na raw niya mapapanood ang pagtatapos ng Magkano Ba Ang Pag-ibig dahil by then daw, malamang na nasa ibang bansa na sila ng kanyang BF na si Sen. Chiz Escudero kasama ang ilang malalapit nilang kaibigan para sa isang bakasyon.

“Pinaghandaan namin ang trip na ito at sobra kong appreciated na ang bawat sentimo na gagastusin namin sa trip ay talagang katas ng mga pinagtrabahuan ko.

Now more than anytime before na masasabi kong mas nagagastos ko ng tama ang perang pinaghihirapan ko,” dagdag pa ni Heart.

Kasama niya sa soap na ito sina Sid Lucero at Dominic Roco at proud na proud siya sa mga ito lalo na sa direktor nilang si direk Maryo J. delos Reyes.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending