Vhong tumangging magbigay ng pera kaya bugbog-sarado | Bandera

Vhong tumangging magbigay ng pera kaya bugbog-sarado

Jobert Sucaldito - January 26, 2014 - 03:00 AM


Nu’ng isang gabi ay pumutok ang balita tungkol sa pagkabugbog kay Vhong Navarro kung saan ay magang-maga ang mukha nito na nakita namin sa mga kuhang litrato.

Grabe ang ginawang pananakit ng mga salbaheng hindi pa natin actually nakikilala. Hindi namin alam kung ano ang motibo sa pananakit kay kaibigang Vhong, hayup ang pagkabugbog-sarado niya.

We are trying to get into the bottom of the crime. Kung ano ba talaga ang nangyari at kung sino ang may sala. Pero we have to respect Vhong’s situation now dahil naka-confine pa rin ito sa isang undisclosed hospital and is bound to go through a few procedures para sa kaniyang madaliang paggaling.

We got an official statement from his business manager, Direk Chito Roño.  “Si Vhong Navarro ay naimbitahan sa isang condominium unit sa Fort ng isang kaibigang babae.

At sa di pa malamang kadahilanan, siya ay piniringan, pinagtulungang bugbugin, ginapos, tinakot at hinihingan ng pera noong Januray 22, Miyerkoles.

Si Vhong ay kasalukuyang nagpapagaling at mawawala pansamantala sa It’s Showtime at iba pa niyang proyekto”.
Just right before our “Mismo” program ni Papa Ahwel Paz sa DZMM last Friday, I had the chance to speak to Direk Chito regarding Vhong’s condition.

“Grabe ang physical harm na ginawa nila kay Vhong. Nag-iwan ng grabeng marka sa kamay at paa nito dahil ginapos at pinagsisipa pala ito sa mukha.

Right now, pinainom siya ng pampatulog ng doktor niya dahil he’s traumatized. Hindi pa nakakapagsalita and by Tuesday, depende sa magiging status niya, baka dadaan siya sa surgery.

Hihintayin lang namin ang advise ng kaniyang doktor,” ani Direk Chito. Tinanong din namin si Direk Chito kung nagtagumpay ba ang mga salarin sa pag-extort kay Vhong.

“Wala silang nakuhang pera kay Vhong. Hindi sila nagtagumpay sa balak nilang pag-extort sa kaniya kaya siguro pinagbubugbog nila,” dagdag pa ni Direk Chito.

Ang isa pang nais malaman ng mga nagmamalasakit kay Vhong ay kung sino ang babaeng sinasabing nag-imbita sa kanya sa isang condo sa The Fort, dahil maaaring ito ang magsilbing witness sa kaso ng mahal nating TV host-comedian.

Hanggang ngayon kasi ay wala tayong nababalitaan kung bakit pumunta roon si Vhong – set up nga ba ito o napagtripan lang talaga siya?

Nakakalungkot itong pangyayaring naganap sa buhay ng kaibigan nating It’s Showtime host. We are praying na sana’y gumaling kaagad si Vhong at mawala ang trauma sa kaniyang puso’t isipan. It’s truly hard to go through this kind of ordeal.

Nakakaloka na talaga rito sa bansa natin, grabe na! Lalo na kapag mga lalaki ang nai-involve sa mga away-away na ganyan. May mga pagkakataon ngang nagkakatinginan lang sa mga bars habang nag-iinuman ay nagkakabarilan at nagkakapatayan pa.

At hindi maiiwasan ang mga ganyang kaguluhan sa mga bar dahil mga lasing na kasi ang mga tao diyan.
Nakakatakot na minsang lumabas ng bahay. Iba kasi pag nagkainitan lalo pa’t me involved na mga babae, hay naku.

Kaya minsan tinatanong namin ang mga sarili namin – is the Philippines still a safe place to live in? Vhong kafatid, magpagaling ka. We are praying for your fast recovery at dasal din naming maparusahan ang mga may gawa nito sa kaniya.

Salamat sa Diyos at buhay siya pero dapat panagutan ng mga tarantadong ito ang kanilang ginawang walang-awang pananakit kay Vhong at sana maging mabilis ang pagsisiyasat ng mga otoridad sa kasong ito.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

( Photo credit to Google )

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending