EJ Obiena dasal na makapiling pa nang matagal ang magulang

EJ Obiena dasal na makapiling pa nang matagal ang mga magulang

Ervin Santiago - September 24, 2024 - 12:00 PM

EJ Obiena dasal na makapiling pa nang matagal ang mga magulang

EJ Obiena, Jeanette Obiena at Bernadette Sembrano

ABOT-LANGIT ang pasasalamat ng Filipino pole vaulter na si EJ Obiena sa kanyang mga magulang na sina Jeanette at Emerson Obiena.

Ang palagi niyang ipinagdarasal ay bigyan pa ng mahabang buhay ang parents niya para makasama pa niya ang mga ito sa loob ng maraming taon.

“I just hope that you know, that this limited amount of time that we spent together hopefully I maximize it,” ang sabi ni EJ sa panayam sa kanya ng broadcast journalist na si Bernadette Sembrano para sa YouTube channel nito.

Sabi pa ng Pinoy Olympian, “I’m very thankful that I was raised by them and I’m very blessed to them.”

Baka Bet Mo: Magdyowang online seller namigay ng ’24-karat gold bar’ bilang souvenir sa kasal, P15k ang halaga kada piraso?

Ayon naman sa nanay ni EJ, ang tanging hiling lamang niya para sa anak ay palaging maging masaya at maayos ang kalusugan.

“Be happy. Nandito lang kami kung saan man siya dadalhin ng gusto niya. Ang kailangan lang namin is stay healthy and happiness,” sabi ni Jeanette Obiena.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Ernest Obiena (@ernestobienapv)


Siyempre, super proud din ang ina ni EJ sa kanyang anak dahil sa mga naging achievement nito sa buhay lalo na sa larangan ng sports.

Natutuwa at nagpapasalamat din siya kapag sinasabing napalaki niya nang mabuti si EJ.

“I’m very, very proud always and thankful. Lalo kapag naririnig mo, kapag sinasabihan kayo ‘you raised a good son.’

“Iba ‘yung tanggap ko. Very, very blessed. Isa lang akong nanay na nabigyan ng anak para i-guide to the future,” aniya pa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Dugtong pang sabi ni Jeanette, “At ngayon, naririnig ko, ang dami kong napupuntahang interview, mga magulang na matatanda na. They look forward to him and thanking for how he was built.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending