Hubad na litrato ni Kristoffer Martin hinarang ng GMA 7, mga beki umalma Bandera

Hubad na litrato ni Kristoffer Martin hinarang ng GMA 7, mga beki umalma

Dinno Erece |January 24,2014
share this

Hubad na litrato ni Kristoffer Martin hinarang ng GMA 7, mga beki umalma

Dinno Erece - January 24, 2014 - 03:00 AM


Hindi pina-release ng GMA Artist ang topless pictures ni Kristoffer Martin. Naku Lendyl F, ang nagha-handle ng PR ng GMA Artist Center ngayon, pangaralan mo nga kung sino ang genius na nagdesisyon na huwag ilabas ang topless picture ni Kristoffer for the promotion of his newest primetime soap Paraiso Ko’y Ikaw na magpa-pilot na this Monday before 24 Oras.

A take off from “The Blue Lagoon” noon, it is expected that the lead star will go daring for this and in fact ito nga ang naging slant ng show na tinanggap ito ni Kristoffer knowing he will go daring at pinaghandaan niya ito.

So nagkaroon na nga ng pictorial for the show and several shots, nag-topless si Kristoffer. Sabi ng nakakita, napakaganda raw lumabas ng pictorial dahil pinaghandaan nga ito ni Kristoffer at hindi kumain ng kung ilang araw pala lumabas ang abs niya.

Pero sa PR pictures, wala ito.  We requested a copy of this to the show’s PM Ms. Ali Dedicatoria and the show’s PR Marian Domingo at umaprub sila but not Artist Center daw na nag disapprove dahil may “branding” sila for their stars and Kristoffer is a matinee idol.

Eh bakit niyo pinatanggap yung show knowing fully well Kristoffer will go daring?  Bakit kayo pumayag na magpa-picture ito kung hindi niyo rin ipapa-release dahil for sure nasabihan din kayo ng mga shots na gagawin hindi ba?

Worse, this is the same department na pinayagan ang ilang “matinee idols” nila na mabalahura sa isang “religious” movie na maghubad-hubad, so what branding are they talking about?

Punta kayo sa Timog circle, may nakahubad na picture si Alden Richards doon, another “branded matinee idol” niyo okay?

( Photo credit to Google )

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending