Kc Montero dapat maparusahan, kailangang palayasin na sa Pilipinas | Bandera

Kc Montero dapat maparusahan, kailangang palayasin na sa Pilipinas

Jobert Sucaldito - January 24, 2014 - 03:00 AM


HABANG nagpi-Facebook ako last Wednesday early morning, I came across an item sa wall ko showing two pictures (Instagram pics) ni KC Montero na hanggang tenga ang ngiti habang nasa gitna ng celebration ng Sinulog Festival sa Cebu last Sunday.

Obviously, super enjoy siya sa event pero napakalaking katarantaduhan ang ipinost niya sa Instagram niya by uttering words like “Mother Fuc… Pit Senor” or something to that effect na hindi lang nagpatayo ng balahibo ko kungdi nagpataas ng presyon ko. How could he post that stupid and blasphemous line?

Ang tibay naman ng sikmura ng kumag na ito na hindi man lang iginalang ang Panginoong Hesukristo? Walang pakundangan niyang inilagay in full ang “mother fuc***r” na word na iyon before the name of God.

Many reacted – marami ang nagalit sa kaniya pero mas nakalulungkot isiping marami rin ang nagtanggol kay KC. Na kesyo maaaring na-overwhelm lang siya sa saya ng okasyon at kumbaga, figure of speech lang daw iyon dahil Kano nga ito at iba ang kultura kaya balewala lang daw iyon.

Tutal daw ay binura naman ni KC ang una niyang pinost at pinalitan ng isang papuri para maligtas sa galit ng mga nakabasa. For some, they found it COOL pero for many, it was stupid and BLASPHEMOUS.

“Dapat sa kaniya ay ibitin ng patiwarik. Tanga siya para hindi malamang isang malaking kagaguhan ang pinost niya. Wala siyang galang sa Diyos. Wala siyang galang sa Sto. Niño.

Dapat sa kaniya gawing persona non-grata sa Cebu at kahit saang lugar na merong Sto. Niño. In short, dapat palayasin na siya rito sa Pilipinas. Or kahit saang bansa na merong Sto. Niño.

“Hindi excuse ang pagiging ignorante niya sa kultura nating mga Pinoy. Even in the States, ang relihiyon at images na pinaniniwalaan nila ay pinakaiingatan nila.

Hindi cool ang ginawa ni KC. He must apologize with all his heart hindi lang sa mga taga-Cebu but to the whole Catholic church dahil sa pambabastos niya sa Sto. Niño.

“Sa social media pa niya inilagay kung saan napakaraming nakakakita at nakakabasa. He should feel so sorry sa ginawa niya. Diyos na iyon ha, nakaya niyang bastusin, what more ang ordinaryong tao? Dapat sa kaniya sinusunog sa impyerno!” anang isang galit na galit na nakabasa ng post na iyon ni KC Montero.

Baliw yata itong si KC Montero for not knowing kung ano ang pinaggagawa at pinagsasabi eh. Dapat ay turuan nga ng leksiyon ang mamang ito.

Akala niya siguro cute ang ginawa niya. Okay lang sana kung isang non-religious event ang dinaluhan niya at iyon ang na-post niya – yung mga pambagets na COOL-COOL ang dating. Kaso hindi eh.

Selebrasyon ng batang Jesus Christ iyon, at hindi naman siya siguro bobo para hindi malaman na ang paradang iyon ay selebrasyon para sa Feast of Sto. Niño.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ano ka ba naman, KC. Masahol ka pa sa tumira ng katol sa ginawa mo. Mag-apologize ka na agad para hindi ka ma-condemn.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending