Galangal, Labog at Lubi sangkap na pambato ng mga taga-Kalibo
Naging pambato ng Kalibo, Aklan sa nakaraang 3rd Tabu-An Annual Western Visayas Ilonggo Heritage Cooking Competition ang KRYZ Culinary Arts and Restaurant Services, Inc. (KCARSI) na pinamumunuan ni Concepcion C. Carillo.
Ipinamalas ng KCARSI ang paggamit ng kakaibang sangkap para sa kanilang mga tampok na lutuin gaya ng labog o dahon ng roselle na kamag-anak ng gumamela, at galanggal o langkawas na kilala sa Ingles bilang blue ginger.
Ito ang mga katutubong sangkap na halos hindi na kilala sa Luzon. Bidang lutuin ng KCARSI ang binayong dahon ng labog na may ampalaya. Bilang appetizer, nakakagulat ang lasa nito.
Nagtataglay ito ng asim, alat, linamnam na may anghang na mula sa sili at astringency o malinis na lasa mula sa luya. Nakalagay ito sa maliit na baso o shot glass na maaaring inumin sa isang lagok.
Para sa main course, ang kanilang alay ay ang Chicken Adobo with Coconut Cream and Galangal. Sa aking palagay ay binigyan ng kakaibang twist ang ordinaryong adobong manok sa paggamit ng gata at galanggal na tumulong sa pag-alis ng lansa ng manok.
Samantala ang gata naman ay nagbibigay ng mala-kremang sabaw at kakaibang lasa. Kailangan kong umorder ng extra rice dahil sabaw pa lang, ulam na.
At para sa dessert, kanilang ibinahagi ang binukayo na lubi o minatamis na buko na hinalo sa gelatine. Dito pinakita ng KCARSI ang kanilang kakayahan sa paglikha ng isang unique dessert mula sa isang ordinaryong bukayo.
Maganda ang pagkakahulma nito at para siyang kutsinta na may minatamis na buko na lumulutang-lutang sa loob. Ang panghimagas na ito ay maaari ring kainin bilang kakanin. Ito ay nagwagi ng 3rd Place para sa Best in Dessert.
Sa line-up pa lamang ng mga niluto ng kuponan ng KCARSI, makikita mo na maaaring bigyan ng bagong sigla ang lutuing Pilipino sa pamamagitan ng malalim na kaalaman ng standard recipes at mula sa batayang ito, maaari itong laruin sa malikhaing paraan at dagdag pa rito ang matalino at maparaan na paglahok ng ibang sangkap na magpapatunay na buhay na buhay ang lutuing Pilipino.
Ang koponan ng KCARSI ay binubuo nina Joemar C. Dumbasi, Leo V. Paparon, Juanito C. Arias Jr., Joel T. Losañes, John Michael A. Biorrey, Johanna Baptist C. Carillo, Gerald A. Yabut, Elizabeth T. Acelar at si Concepcion C. Carillo, bilang coach.
(Editor: May tanong, reaksyon o komento ka ba sa artikulong ito?
May nais ba kayong ipasulat o ipatalakay sa Bandera? I-text ang pangalan, edad, lugar at mensahe sa 09178052374.)
APPETIZER
BINAYO NGA LABOG NGA MAY AMARGUSO (Mashed Roselle Leaves with Ampalaya)
INGREDIENTS
1 cup Roselle (Labog Leaves)
1 cup Water
1 tbsp Salt
2 cloves Garlic
1 small Chopped Shallots
2 tbsp Grated Ginger
1/8 cup Chopped Hot Peppers
1 cup Ground Meat
1 tbsp Shrimp Paste
1 cup Sliced Ampalaya
2 tbsp Cassava Flour
COOKING METHOD
• Boil Labog (Roselle Leaves) and set aside
• Sautee all ingredients except cassava flour
• Add Labog (Roselle Leaves) and slurry of cassava flour
Main Course
INADOBO NGA MAN OK SA GATA KAG LANGKAWAS (Chicken Adobo with Coconut Cream and Galangal)
INGREDIENTS
1 cup shredded Langkawas (Galanggal/Blue Ginger)
4 kg Chicken Leg or Thigh
1 whole Garlic minched
1 cup Water
3/4 cup Vinegar
3/4 cup Soy Sauce
1 1/2 cup Coconut Cream (Gata)
4 pcs Bay Leaves
1 tbsp Brown Sugar
2 tbsp Whole Peppercorns
Cooking Oil
Salt and Pepper to taste
Bird’s-eye chili
Green onion leaves and red chilli peppers for garnishing
COOKING METHOD
• In a heated pan put cooking oil and sautee garlic and langkawas. Add chicken, soy sauce, bay leaves brown sugar, peppercorns, and chili. Bring to boil and simmer in low heat until chicken is tender.
• Add the vinegar and coconut cream. Simmer for at least 5 minutes.
• Garnish with green onion leaves and the red chili peppers
Dessert
BINUKAYO NGA LUBI (Candied Coconut in Gelatine)
INGREDIENTS
1 cup young Coconut meat (buko), shredded
1 cup Brown Sugar
2 tbsp unflavored Gelatine
Calamansi zest
COOKING METHOD
• Boil 1 cup shredded young coconut meat with 1 cup brown sugar.
• Add calamansi zest with 2 tbsp unflvored gelatine.
• Put the cooked bukayo in a molder
• Pour the unflavored gelatine, cool to set.
• Unmold and serve.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.