MABUTING alam mo na, na ang negative lifestyle o bulok na pamumuhay ay talagang nagdudulot ng sakit at maaari mo pang ikamatay agad di lang ng pisikal na katawan kundi maging espiritwal
Kung ang desisyon may ay mag “U-TURN”, mas masaya!
Mas maigi ang mamuhay na walang iniindang sakit o kapansanan. Alam nating lahat na ang kalidad ng buhay ay bumababa kasabay ng sakit at kapansanan.
Pagkatapos mag-detox, ituloy na natin ang pagsulong sa isang magandang kalusugan. Ang lifestyle change ay mahirap gawin kung ayaw mong bumitaw sa mga kinagigiliwang gawain.
Ang konsepto ng lifestyle enhancement ay isusulong natin sa ating Barangay Kalusugan upang kahit sa paunti-unting paraan, maiwasan ang sakit at gumaling tayo sa ating karamdaman.
Our strategy: Small Steps towards Lifestyle Enhancement
Ang epekto ng 10 araw na Detox (Doctor Heal, Bandera, Jan 8, 2014), mapapansin mo na mas magaan ang iyong pakiramdam, mas mararamdaman mo ang lakas at enerhiya na naipon mo.
Itutuloy natin ang pagpatupad ng ating mga natutunan na. Laging panatilihin ang kaalaman sa pamamagitan ng paggamit nito.
Bigyan natin ng pansin ang “hydration and activity”.
Noong isang taon, ay nailathala na natin ang mga haligi ng resistensiya — ang nutrisyon, rest and sleep, at higit sa lahat ang forgiveness. Sa mga gawaing ito napapalakas natin ang ating immune system na siyang pangunahing pundasyon sa paglaban sa sakit.
Para bang mahirap gumalaw-galaw lalo na kapag ehersisyo ang pag-uusapan, para sa isang taong kulang sa tubig o “fluids” sa katawan. Ang “dehydartion” ay pinapansin lamang nating kapag sobra na tayong naghihina, matutumba at mawawalan ng malay, sanhi ng mga “acute illnesses” gaya ng Gastroenteritis (vomiting & Diarrhea) at heat stroke. Ang hindi binibigyan pansin ay ang “chronic hydration” na siyang ugat ng mas maraming sakit.
Ang ibig sabihin nito ay hindi tayo umiinom ng sapat na dami ng tubig araw-araw. Kung bakit hindi natin magawa ito kahit mayroon namang signal na kailangan ng uminom.
Alalahanin natin na mahigit sa 70 porysento ng ating katawan ay tubig, na kapag ika’y walang sakit, kailangan ng katawan mo ay tatlong litro ng fluids. Ito ang panlaban sa chronic dehydration.
Ang “3 Liters of Water a Day” ay magagamit sa lahat ng proseso ng metabolismo kasama na dito ang paglabas ng mga dumi, kalat at mga nakakalason na bagay sa katawan na resulta ng mga prosesong nabanggit (Metabolic waste products).
Kapag nakakaramdam ka ng mabigat, o panghihina, uminom ng “warm to hot water”. Kung maari ay iwasan ang mga unhealthy beverages na punong-puno ng asukal.
Sa mga may masasakit na kasu-kasuan (Arthritis) magandang ugaliin ito. Sa pag-aalaga ng iyong balat (skin care) mahalaga ito, lalo na kapag sinamahan ito ng ehersisyo na pag-papawisan ka.
Abangan sa Miyerkules ang tungkol sa “activity”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.