Lovelife ni Ai Ai nawasak dahil sa isang kaibigang may dalang sumpa? | Bandera

Lovelife ni Ai Ai nawasak dahil sa isang kaibigang may dalang sumpa?

Jobert Sucaldito - January 16, 2014 - 03:00 AM


Ganito kasi iyon. Si Tita Malou kasi ay talent manager din on the side at isa sa mga hawak niyang artists ay si Jose Manalo. Ang ikinaloloka lang daw ni Tita Malou ay yung pagkuha niya kay Jose for some shows out of town directly without her knowledge.

Ilang beses na niyang ginawa raw iyon na hindi ipinapaalam sa manager at nabubuko na lang ni Tita Malou after. Isang maliwanag na panloloko ang ginagawa niyang ito kay Tita Malou, di ba?

“Hindi ko lang talaga siya feel. Wala akong tiwala sa kaniya. Kasi mababasa mo ang isang tao sa iba’t ibang pamamaraan. Tulad niya, pag bumunot ng pera sa bulsa niya, bundle-bundle na nakabungkos pa yata sa rubber band.

Yung parang gusto niyang ipaalam sa mundo na marami siyang pera. Wala ba siyang wallet? Ibang klase!” sabi naman ng isang singer na nakausap namin who knows him.

Marami pa akong natanggap na text and talks about him. Pero itatago ko na lang muna ‘yun for future purposes. Ha-hahaha!
Kuwento naman isa pang nakakikilala sa kanila, “Mula nang madikit siya kay Ai Ai delas Alas ay nagkandamalas-malas na yata ang komedyana.

Di ba’t siya ang kasa-kasama ni Ai Ai nung ikinasal ito kay Jed Salang sa Las Vegas? Siya pa yata ang nag-ayos ng kasalang iyon. Ngayon maghuhugas-kamay tiyak iyan.

At napansin ninyo, mula nang maging close sila ni Ai Ai at “partner” pa ang tawagan nila, parang hindi na ganoong close si Ai Ai sa atin? Parang siya na lang ang sinusunod ni Ai Ai? Napansin ko lang,” sambit ng isang writer.

Sabi ko nga sa kanila, huwag nilang isama si Ai Ai sa usapan dahil in fairness naman sa Comedy Queen hindi naman siya kasali sa isyu naming dalawa ni Lito. Ai Ai remains a good friend to me.

Basta kami ay nanginginig ngayon dahil sa pag-ban niya sa amin sa comedy bar nila. Please po, nagmamakaawa kami – huwag niyo po kaming i-ban dahil wala na po kaming ibang puwedeng puntahan.

Please, huwag po, huwag po, inay! Iyan na yata ang pinaka-stupid na statement na narinig ko in my entire life. Promise!

( Photo credit to INS )

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending