Anne pwede pa ring magbilad ng hubad na katawan kahit gaganap na Dyesebel
Kahit siya na ang magbibida sa remake ng Dyesebel sa ABS-CBN, pwede pa rin daw tumanggap ng mature roles si Anne Curtis. E, kasi nga, medyo wholesome ang karakter niya bilang si Dyesebel kaya baka raw malimitahan na ang mga proyektong tatanggapin niya ngayong 2014.
“Pagdating naman sa career hindi naman po sa magiging choosy kasi ang wide ng range ng mga followers ko. Meron tayong mga bata, meron tayong teens, meron po tayong mga women na, so hindi ko rin iiwan ang market na ‘yun na gumawa ng mature roles,” paliwanag ni Anne.
Nang tanungin naman kung ano ang feeling na makakatambal niya uli sa teleserye si Sam Milby at for the first time naman ay makakasama niya si Gerald Anderson bilang leading men niya sa Dyesebel.
“Sobrang excited, kami ni Sam meron na talaga kaming following na alam ko matutuwa sila kasi finally magbabalik tambalan. Kay Gerald naman it’s the first time at excited din akong makita kung anong pwede naming ibigay so tingin ko it’s going to be a fun experience na magsho-shoot kami,” tugon ng aktres.
( Photo credit to Google )
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.