Ni Bella Cariaso
HINDI nagustuhan ng Malacañang ang suhestiyon na personal na pera ni Pangulong Aquino ang gamitin sa pagpapagamot kay dating pangulo at ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo.
Ito ay sa harap ng matin-ding pagkontra ng ilan na gamitin ang pondo ng bayan sa pagpapadala ng mga eksperto na titingin kay Arroyo.
Sa kanyang briefing, sinabi ni Presidential Spokesperson Edwin Lacierda na ipinauubaya ng Malacañang kay Budget Secretary Florencio Abad kung saan kukunin ang ipinangako ni Aquino na nagsabing handang maglaan ng pondo ang kanyang administrasyon para sa pagpapagamot ni Arroyo.
“That (sariling pera ni Aquino ang gamitin) has not been discussed with the President. Our concern right now is to make sure (na may pondo para rito). The President has made an offer that we will fly in the doctors of her choice,” giit ni Lacierda.
Idinagdag niya na bukas din ang Palasyo sa mga nais mag-ambag para sa pagpapagamot ni Arroyo.
“In the future maybe there’s a private group that will be willing to…who shares the opinion of the President and will also put up the fund instead of the government,” dagdag ni Lacierda.Duda pa rin
Kasabay nito, sinabi ni Lacierda na lalo lamang silang nagdududa sa totoong intensyon ni Arroyo sa pagnanais na makalabas ng bansa matapos ibasura ng kampo niya ang alok ni Aquino.
“Ang sinasabi po ni Pangulong Aquino, kung talagang kailangan ninyo ng tulong ng doctor sa abroad, sasagutin po namin ang gastusin…Ngayon inililipat nila to a constitutional issue. I thought the primary concern for their request to travel was the health concern of Rep. Arroyo.
Why are they now changing their tune?” aniya pa.‘Mayaman si GMA Todo ang naging pagkontra ng ilang kongresista sa nasabing alok ni Aquino.
Ayon kay partylist Rep. Teodoro Casiño, hindi makatarungan na gamitin ang buwis ng taumbayan para sa serbisyo ng isang medical expert na susuri sa karamdaman ni Arroyo.
Iginiit pa ng mambabatas na hindi kailangan ni Arroyo ng financial assistance dahil mayaman umano ang pamilya nito at patuloy na tumatanggap ng retirement benefits mula sa pamahalaan.—Leifbilly Begas, Liza Soriano TRO hinarang
Hinarang naman ng Office of the Solicitor General ang kahilingan sa Supreme Court ni Arroyo na mag-isyu ang hukuman ng temporary restraining order laban sa watchlist order ng Department of Justice.
Isang urgent manifestation ang inihain ng SolGen para kontrahin ang nais ng dating pangulo.
Naghain ng petisyon si Arroyo na kumukuwestiyon sa kapangyarihan ni Justice Secretary Leila de Lima na pigilan ang kanyang kahilingang makapagpagamot sa ibang bansa. Hiniling din sa petis-yon ang pag-isyu ng SC ng TRO sa nasabing watchlist.
Asylum ni Arroyo
Samantala, bineberipika ng DoJ ang ulat na mayroong asylum papers sa Dominican Republic si Arroyo.
Ayon kay Sec. Leila De Lima, inaalam nila kung ano ang naging batayan sa pagbibigay ng asylum kay Arroyo maging ang araw kung kailan ito nag-apply.
“Anything is possible. They can always do that. What if tama ‘yung hinala namin na this (medical treatment) is just a spectacle to really have a shield for their actual intention na takasan ang mga kasong ito?” aniya. “They can do anything like medical treatment abroad to give it a legal cover.” —Marvin Balute
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.