AHAS: Noy magkakasakit; JPE ‘mahuhubaran’ | Bandera

AHAS: Noy magkakasakit; JPE ‘mahuhubaran’

- January 06, 2013 - 02:35 PM

Ni JOSEPH GREENFIELD
Bandera resident  psychic

Ikalimang serye
HINDI maka-liligtas ang politika at administrasyong Aquino sa kamandag ng Itim na Ahas.

Sa unang yugto ng taon, sa buwan ng Enero hanggang  Abril, sa mga petsang 2, 4, 13, 17, 24 at 25, sa mga araw ng  Lunes, Martes at Huwebes, magkakasakit ang Pangulo.

Habang  nasa loob ng pribadong ospital, mahuhubaran sa panunungkulan bilang Senate President si Juan Ponce Enrile, upang palitan ng senador na kaalyado ng Pangulo sa Liberal Party.

Matapos mapalitan si Senate President Juan Ponce  Enrile, mabubuhay ang career ni Sen. Panfilo Lacson sa muli niyang pag-upo bilang kalihim ng makapangyarihang ahensiya sa gobyerno, kasabay ang malawakang balasahan sa Gabinete, na  ikatutuwa ng marami.

Isa sa mga masisibak ay ang kinaiinisan ng media na si Secretary Ramon Paje ng DENR.Ang mga pangyayaring ito ay magaganap sa unang hati ng taon, sa buwan ng Enero hanggang Abril sa mga petsang 7, 11, 14, 15, 16, 21 sa araw ng Lunes, Martes at Biyernes.

Si Sen. Miriam Santiago, kung hindi pa rin makaaalis ng bansa upang tupdin ang tungkulin sa International Law Community, sa buwan ng Pebrero hanggang Hunyo, sa mga petsang 3, 12, 21, 9, 18, 27, 5, 14, 23, 8, 17 at 26, sa mga araw ng Sabado, Biyernes, Linggo, Lunes at Martes, dadapuan siya ng malubhang karamdaman, sapat upang mahabang panahon siyang mamamahinga at hindi muna magagawa ang katungkulan bilang senador.

Sa ikalawang hati ng taon, habang pumapasok ang tag-araw at bumubungad ang tag-ulan, sa buwan ng Abril hanggang Hulyo, sa mga petsang 6, 13, 22, 20, 21 at 30, sa mga araw ng Biyernes, Sabado at Linggo, dalawang malalakas na pagsabog sa MRT at LRT ang itatala na isisisi sa mga teroristang kunwaring nakapasok sa Metro Manila.

Kasabay nito, magkakasakit si Speaker Sonny Belmonte, kusang bababa sa kanyang katungkulan.

Habang nagpapagamot sa ibang bansa,  papalitan siya ng mas batang mambabatas.

Sa panahong tinuran, uugong ang dalawang panukalang batas na ikagagalit ng Simbahang Katolika at konserbatibong mamamayan.

Ang Batas sa Diborsyo at ang Batas sa Abortion ay papasa.

Sa umpisa parang mahihirapan itong makalusot upang maging batas, ngunit dahil sa kamandag ng Itim na Ahas, ang dalawang kambal na imoral na panukala ay ganap ding magiging batas sa pagtatapos ng taon 2013.

Sa panahong matindi ang deliberasyon at debate ng pangkaniwang mamamayan hinggil sa panukalang batas, pagtatangkaan ang buhay ng Pangulo sa mabilis at biglang asasinasyon.

Habang sa panahong naturan, sa kalagitnaang hati ng taon sa buwan ng Hunyo hanggang Setyembre, sa mga petsang 2, 11, 20, 21, 22 at 30 sa mga araw ng Huwebes, Biyernes at Sabado, lalong lalala ang girian ng China at Pilipinas hinggil sa pinag-aawayang mga isla.

Kasabay nito lihim na dadagsa sa baybaying dagat ng Pilipinas, galing Hawaii, ang  malalaking bapor de gera ng US at iba’t-ibang high tech na eroplano.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Tatapusin

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending