Mga bossing ng GMA na-shock sa ‘paglipat’ ni Kris | Bandera

Mga bossing ng GMA na-shock sa ‘paglipat’ ni Kris

Ervin Santiago - January 09, 2014 - 03:00 AM


Nagulat ang mga bossing ng GMA nang makarating sa kanila ang balitang posibleng lumipat sa Kapuso station ang Queen of All Media na si Kris Aquino.

Ayon kay Ms. Lilybeth Rasonable, Senior Vice-President for Entertainment TV ng GMA, walang naganap na negosasyon sa pagitan ng network at ni Kris, wala rin daw standing offer ang Kapuso kay Kris.

Kasabay nito, wala rin daw silang alam sa napabalitang nagkaroon muli ng negosasyon sa pagitan ng may-ari ng TV5 na si Manny Pangilinan at ni Atty. Felipe Gozon ng GMA.

Ibig sabihin kuryente rin ang ulat na nagkausap muli ang dalawa hinggil sa pagbili ng TV5 sa GMA 7. Samantala, kahapon, inihayag na ng Kapuso ang mga bagong programang kailangang abangan ng manonood ngayong 2014.

Bukod dito, marami ring magaganap na pagbabago sa kanilang mga show na umeere na ngayon. Kabilang na diyan ang mga bagong pasabog na segments ng Startalk nina Joey de Leon, Lolit Solis, Ricky Lo, Butch Francisco at Heart Evangelista; ang mas nakakatuwa at nakakalokang comedy game show na Celebrity Bluff nina Eugene Domingo at Jose Manalo; ang mas palaban at mas entertaining na Sunday All Stars; ang mga bagong twist sa Picture Picture ni Ryan Agoncillo; at ang pagpapatuloy ng award-winning at numero unong reality comedy show na Pepito Manaloto nina Michael V at Manilyn Reynes, tuwing weekend.

( Photo credit to Google )

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending