Off road, medium, heavy | Bandera

Off road, medium, heavy

Leifbilly Begas, Lito Bautista - , January 08, 2014 - 03:00 AM


ANG tawag ng ating texter…. 5452, ng Placer Surigao del Norte, sa kanyang ride ay ‘bike’.Ito ang pangkalahatang tawag sa scooter at motorsiklo.

Sa aming palagay ang ating texter ay may scooter, at hindi niya ito maaaring gamitin sa off-road, medium off-road lalo na sa heavy off-road.

Ang scooter ay pampatag lang at mas maganda itong patakbuhin kung sementado o aspaltado ang kalsada. Iba ang suspension ng bike sa mga sasakyang apat ang gulong.

Kalimitan sa mga bike ay may McPherson Strut at spring coil. Ang suspension ng scooter ay dapat ding ingatan dahil hindi ito maaaring kargahan ng mabigat dahil masisira kaagad ang rear suspension nito.

Kung madalas na kakargahan ng mabigat ang scooter kahit na ang front suspension ay masisira. Ang mga chain-driven motorcycle na mayroong gulong na marami at malalalim ang gilit ang bagay sa off-road.

Ang street-model XRM ay puwede na pag-off-road pero hindi sa medium at heavy off- road.  Ang chain-driven XR 200 ay kayang umarangkada sa medium off-road pero posibleng mahirapan sa heavy.

Ang motorcross ang dapat na ginagamit sa heavy off-road, basta walang mga tipak-tipak ng bato.

Mula kay Marlon Perez, ng Davao City.
Masarap gamitin ang scooter dahil komportable itong ibiyahe lalo at ito ay automatic. Madali ring ikabit ang gulong kapag nagkaproblema habang ginagamit ito.

Pero hindi ko makita ang rason kung bakit ang mga scooter ay belt-driven at hindi katulad ng mga motorsiklo (chain-driven)…… 1281

Texting & driving
BASE sa tahasang pag-aaral, napatunayan na ang paggamit ng cellphone habang nagmamaneho ay may hatid na panganib, lalo na sa mga bagitong driver.

Napatunayan din sa pag-aaral na kahit sa simpleng pag-abot sa cellphone ng isang nagmamaneho ay maaaring ikamatay.
Pinag-aralan ng mga mananaliksik sa Virginia Tech Transportation Institute ang 42 driver na kumuha ng lisensya na edad 16 at 17, at 109 beteranong driver na nagmamaneho na nang higit sa 20 taon.

Kinabitan nila ng video camera, global positioning systems, lane trackers, gadgets na susukat ng kanilang bilis at iba pang sensor.

Lumabas sa pag-aaral, tumataas ng pitong ulit ang panganib na mabangga ng isang bagitong driver kapag nagda-dial o kinukuha niya ang kanyang cellphone at apat na ulit kapag nagpapadala sila o nakatanggap ng text message.

Tumataas din ang panganib kapag may kinukuha silang bagay maliban sa kanilang cellphone o may tinitignan sa gilid ng kalsada o kaya ay kumakain.

Sa mga beterano, tumataas lamang ang panganib na mabangga kapag nagda-dial sa kanilang cellphone. Hindi naman nakasali sa pag-aaral sa mga beterano kung tumataas din ang kanilang panganib na mabangga kapag nagti-text.

Ginastusan ng National Institutes of Health at National Highway Traffic Safety Administration ang pag-aaral. Ang resulta nito ay inilathala sa New England Journal of Medicine.

Sinabi ni David Straye ng University of Utah na siyang nagsagawa ng pag-aaral, ang resulta na kanilang nakuha ay taliwas sa paniniwala ng maraming driver at mga naunang pag-aaral.

Mas maganda rin siguro kung isinama sa pag-aaral kung nadaragdagan ang panganib na maaksidente kung nakikipag-usap ang driver sa cellphone kahit gumagamit ito ng mga hands-free devices.

MOTORISTA
Oil, tune-up
AKO po si Allan B, ng General Santos City.  Ano pong brand ng oil ang magandang pang-change oil at ilang buwan bago magpa-tune-up ang motor?
ALLAN B

BANDERA
SA mga Japanese bikes, magandang pamalit ang castrol.  Nakasisira lamang ang Castrol apag lumagpas na sa milyahe ang pagpapalit nito, na karaniwang nangyayari kapag nakalimutan ang pagpapalit ng langis.

Kung maaari, gawin ang tune up sa tuwing magpapalit ng langis.

MOTORISTA
No license
NAHULI po ako driving without license.  Siningil ako ng P2,000.  Sakop na raw nito ang multa at di pagsasampa ng kaso.
E.R., Baroy, Lanao del Norte

BANDERA

ANG multa sa driving without license at P1,500 at wala itong kaso na isinasampa, maliban na lang kung may aksidente pang naganap o nakasagasa ka.
——————
MAY reklamo ka ba sa E-10 gasoline, peke at substandard na piyesa, at ilang bagay hinggil sa fuel, lubricants, motor, atbp?  I-text sa 0917-8446769

Classifieds Motor
YAMAHA Mio P40K
negotiable 0930-6301895
SWAP Yam V-Force
0999-5137790
VINTAGE bike 0905-4120502

PARA sa inyong mga riders, mechanics, motorcycle salesmen, parts distributor at insurance companies ang Bandera Motor Section Classifieds.

Puwede ninyong i-text ang inyong ibinebentang motor sa BMS Classifieds at libre ito (one liner lamang).  Halimbawa: YAM Mio P40 (cell phone number).

Kung gusto ninyong makipagpalit, text: SWAP XRM 2010 (cell phone number).  Kung gusto ninyong i-text ang inyong serbisyo, i-text: MECHANIC Sam (cell phone number).

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

VINTAGE bike (cell phone number).  PARTS (cell phone number).  INSURANCE (cell phone number).  I-text ang mga ito sa 0917-8446769

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending