Unawain natin si Chavit | Bandera

Unawain natin si Chavit

|September 08,2009
facebook
share this

Unawain natin si Chavit

- September 08, 2009 - 10:03 AM

Maraming mga kababaihan ang umalma kay Chavit dahil sa kanyang pambububogbog sa live-in partner.  Iba naman ang katwiran ni Ramon Tulfo, basahin na!
Unawain natin si Chavit Singson
BINUGBOG ni Chavit Singson, dating Ilocos Sur governor at ngayon ay deputy national security adviser, ang kanyang live-in partner na si Che Tiongson matapos niyang mahuli ito na may kasamang lalaki sa kanilang apartment.
Nanggagalaiti ang mga women’s groups gaya ng Gabriela sa ginawa ni Chavit.
Wala raw karapatan si Chavit na saktan ang kanyang live-in partner, kung kanino may lima siyang anak, kahit na nanlalaki ito.
Hindi ko kinakampihan si Chavit sa ginawa niyang pambubugbog kay Che, pero dapat ay intindihin natin siya. Nagdilim ang paningin ni Chavit nang makita niya na may kasama si Che sa kanilang apartment.
Masakit sa isang lalaking macho na gaya ni Chavit na malagyan ng ipot sa ulo.
***
Hindi lang kauna-unahang pagkakataon na nagloko si Che, sabi ng dating Ilocos Sur governor.
Pangatlong beses na raw ginawa ni Che ito kay Chavit.
Sa una at pangalawang pagkakataon ay pinatawad siya ni Chavit alang-alang sa mga bata. Iba-ibang lalaki ang kinasama ni Che, sabi ni Chavit.
Sa pangatlong pagkakataon, nawala na ang pasensiya ni Chavit kay Che.
Masisisi mo ba si Chavit?
***
Hiniwalayan ni Chavit si Che sa una at pangalawang beses niyang nilagyan siya ng ipot sa ulo nito.Pero nagmakaawa raw si Che sa kanya na tanggapin niya itong muli, at ganoon nga ang ginawa ni Chavit.
Si Che ay living like a queen sa bahay ni Chavit. Lahat ng karangyaan sa buhay ay ibinigay ni Chavit sa kanya. Alam ko ito dahil bisita ako nina Chavit at Che sa kanilang country estate sa Vigan.Nasaksihan ko ang pagmamahal na ibinuhos ni Chavit kay Che.
Kung ayaw na ni Che kay Chavit, dapat ay nakipaghiwalay siya nang maayos.
Maiintindihan naman si-guro siya ni Chavit.
But Che kept clinging to Chavit dahil siguro ayaw niyang mawala ang mga karangyaan.She wanted to have her cake and eat it too, ’ika nga sa Ingles.
***
Mabuti pa nga at bugbog lang ang inabot ni Che kay Chavit. Pero ang kanyang kalaguyo ay kawawa kay Chavit.Sa galit ni Chavit na nakita niyang nakahubad ang dalawa sa kuwarto, iginapos niya ang lalaki. Pinahanap ang kanyang mga bodyguards ng gunting dahil puputulin niya ang ari nito.
Wala raw makitang gunting sa apartment ang mga bodyguards.Ang nakita ay martilyo. Minartilyo raw ni Chavit ang ari ng lalaki ng dalawang beses.
Aray!
Baka di na pakinabangan noong lalaki ang kanyang ari.

Mon Tulfo, BANDERA, September 8, 2009

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending